
Isa sa mga malalapit na kaibigan ng yumaong Slapshock frontman na si Jamir Garcia si Paolo Contis.
Ninong din si Jamir ni Summer Ayanna, ang anak ni Paolo sa partner niyang si LJ Reyes.
Dahil sa kanilang magandang samahan, hindi na sorpresa kung makatanggap si Paolo ng pamana mula sa mang-aawit.
Ayon sa Instagram post ni Paolo noong May 8, ipinagkatiwala ng maybahay ni Jamir na si Jaya Garcia sa Kapuso actor ang motorsiklo ng yumaong asawa na isang Honda Ruckus.
Sulat ni Paolo, "This was my kumpare's toy... and now, nasa akin na siya.. thank you @mommy_jaya at sa akin mo ito pinag katiwala. Aalagaan ko to promise!"
Biro pa ng aktor na isang motorcycle enthusiast, "Bro, sayang hindi natin nagawang mag-ride ng magkasama... pakiusap ko lang sana sa 'yo, huwag kang aangkas sa likod ko 'pag gamit ko 'tong motor ha! miss you brotha!"
Natagpuang walang buhay si Jamir sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Sangandaan, Project 8 noong November 26, 2020.
Sinugod ang band vocalist sa Metro North Medical Center Hospital pero idineklara siyang dead on arrival.
Bukod kay Jamir, ilan lamang sina April Boy Regino, Lloyd Cadena, Emmanuel Nimedez, Anita Linda, at Ramon Revilla Sr. sa mga binawian ng buhay noong nakaraang taon.
Balikan ang kanilang makulay na buhay sa tribute na ito ng GMANetwork.com: