GMA Logo Gladys Reyes and Christopher Roxas
Celebrity Life

Gladys Reyes at Christopher Roxas, ipinakita ang ilan sa kanilang favorite vehicles

By Maine Aquino
Published June 8, 2021 5:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Gladys Reyes and Christopher Roxas


Tingnan ang iba't ibang vehicles ng celebrity couple na sina Gladys Reyes at Christopher Roxas at kilalanin ang mga celebrity friends na naging parte ng kuwento ng ilan sa kanilang mga naipundar na sasakyan.

Iba't ibang klaseng mga sasakyan ang ipinasilip ng celebrity couple na sina Gladys Reyes at Christopher Roxas.

Sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition, ipinakita ng dalawa ang ilan sa kanilang mga prized possession. Ito ay ilan sa mga sasakyan na pinangarap makamtan ni Christopher noon. Isa na rito ay ang 1977 Camaro, isang vintage car na iniregalo ni Gladys sa kanyang asawa noong kanilang anniversary.

"Noong nakita ko 'to sabi ko it's about time na magkaroon ulit ako kasi noong bata ako meron ako niyan, nawala lang."

1977 Camaro of Christopher Roxas

Photo source: Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition

Saad pa ng aktor ay nagsabi siya sa kaniyang asawa na plano niyang bilhin ang sasakyan na ito.

"Nagsabi ako kay Gladys tapos siguro nakita niya na gustong gusto ko at alam naman niya talaga so 'yun niregalo niya noong anniversary namin sa akin.

Mayroon ding Royal Enfield Motorcycle ang aktor.

Royal Enfield Motorcycle of Christopher Roxas

Photo source: Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition

Kuwento naman ni Gladys, "Matagal bago ako na-convince ni Christopher na mag-ride siya ng motorcycle because lagi kong naiisip 'yung danger.

Sa tulong ni Ryan Agoncillo ay na-convince si Gladys na safe naman na magmaneho ng motorcycle.

"Ipinaliwanag naman niya sa akin na hindi naman pangkarera 'yung motorcycle na bibilhin niya and sabi ni Ryan may safety protocols naman [on] riding a motorcycle and as long as alam mo 'yun at maingat ka, okay naman, safe naman siya."

Sa 40th birthday ni Christopher ay hiniling niya na magkaroon sana siya ng scooter na Vespa. At sa tulong ng kanilang mga kaibigan na sina Angelu de Leon at asawa nitong si Wowie Rivera ay nakuha ni Christopher ang kaniyang dream scooter.

Vespa of Christopher Roxas

Photo source: Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition

Ayon kay Christopher nang malaman ni Angelu na gusto nito ng scooter ay ibinahagi niyang mayroon ang kaniyang asawa. Kaya naman ibinenta ito ni Wowie kay Christopher.

"Nakakatuwa lang na ibinigay niya sa akin at a good price and talagang presyong kapatid talaga."

Kilalanin ang iba pang mga celebrities na motorcycle enthusiasts sa gallery na ito: