
Abala na sa bubble training ang Kapuso star and national athlete na si John Vic De Guzman para sa 2021 South East Asian Games.
Si John Vic ay parte ng Philippine Men's National Volleyball Team. Sila ay nagte-traning ngayon sa Laoag, Ilocos Norte.
Sa kaniyang photos at video, ipinakita ni John Vic ang kanilang ginagawang paghahanda para sa kanilang laban sa 2021 Hanoi Southeast Asian Games.
Nitong May ay kabilang ang Kapuso star sa mga atletang nakatanggap ng COVID-19 vaccine bilang paghahanda sa 2020 Tokyo Olympics at sa 2021 Hanoi Southeast Asian Games.
Naisulat noon ng GMANetwork.com na pansamantala munang magpapahinga sa paggawa ng TV series si John Vic para matutukan ang kanilang training sa national team.
"Sa pagawa po ng TV series at pelikula opo pansamantala, focus po muna 100% sa volleyball.
"But andyan pa rin naman po yung online / social media commitments and engagements na pwede naman pong isabay."
Kilalanin pa ang Kapuso athlete na si John Vic sa gallery na ito: