
Marami ang napabilib sa husay ng actress-singer na si Manilyn Reynes nang ipinasilip niya ang kanyang sign language skills sa Instagram.
Kuwento ng Pepito Manaloto star, natuto siya ng sign language habang ginagawa ang '80s drama series ng TAPE Inc. na Heredero.
Pagbabalik-tanaw ng 49-year-old actress, “When I was 12, habang nagti-taping ako ng 'Heredero,' may nakilala po akong family na ang paraan ng pagko-communicate ay sa pamamagitan ng sign language. They became my friends.
“Dinadalaw nila ako tuwing taping, at tinuturuan. Masaya po kaming nag-uusap at ina-apply ko ang mga itinuro nila sa akin.
“Para sa ating friends na sa ganito ring paraan nakakapag-communicate, this is for you.”
Sunod-sunod naman nagkomento ang mga katrabaho ni Manilyn sa show business tulad nina Donna Cruz at Barangay LS DJ Papa Dudut.
Narito ang ilan sa throwback photos ni Manilyn with her husband Aljon Jimenez: