GMA Logo Macoy Dubs
Celebrity Life

Macoy Dubs, nahirapan i-assemble ang face shield sa kaniyang 'Squid Game' parody skit

By Jimboy Napoles
Published September 30, 2021 9:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: San Miguel secures top spot with win vs Meralco; Oftana powers TNT past Blackwater
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Macoy Dubs


Kaya niyo bang i-assemble ang isang face shield sa loob lang ng 30 segundo?

Eliminated sa kaniyang sariling version ng Netflix series na Squid Game ang social media personality na si Macoy Dubs dahil nahirapan siyang i-assemble ang isang face shield sa loob ng 30 segundo.

Sa video, makikita na nakasuot din siya ng jacket at may player number na 02B gaya ng nasa series.

Ikinatuwa ng maraming netizens ang skit na ito ni Macoy kung saan havey ang kaniyang acting na hirap na hirap sa pag-aassemble ng plastic na face shield. Hindi nga siya umabot sa oras, kaya gaya ng mga natatalong player sa series, na-eliminate din si Macoy at binaril.

“Squid game, challenge #2: Heng De (face shield)” caption ni Macoy sa kaniyang post.

Ang video na ito mayroon ng 2.9 million views sa Facebook at umani pa ng sari-saring reaksyon sa mga netizen.

Sabi ni Alexandra Marie, “In fairness ang galing! Ang effort po nung props na dugo. Hahaha! Sana po hindi yan hot sauce.”

source Macoy Dubs Facebook

Ito naman ang masasabi ni Honey Andaliza, “Squid game low budget.”

source Macoy Dubs Facebook

Halos ganito rin ang opinyon ni Cherlou Agustin, “SQUID GAME PH EDITION.”

source Macoy Dubs Facebook

Simula September 17 na nag-premiere ang Squid Game sa Netflix at hanggang ngayon, ay nasa Top 10 most watched series sa Pilipinas ang series na ito sa nasabing streaming platform.

Nakilala naman si Macoy Dubs sa kaniyang skits at relatable character bilang si "Auntie Julie" na isang yayamanin na tiyahin na laging nakasuot ng pearl na hikaw.

Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang ilang mga sikat na online sensation na pinasok ang mundo ng showbiz: