GMA Logo Kim Domingo wearing Squid Game jacket
Celebrity Life

Kim Domingo is 'Player 295' wearing her cool 'Squid Game'-themed jacket

By Jimboy Napoles
Published October 5, 2021 6:44 PM PHT
Updated October 6, 2021 12:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos swears in Barcena as new NPC commissioner
Couple dead, child hurt in Nueva Ecija road mishap
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Domingo wearing Squid Game jacket


Ibinida ni Kapuso Actress Kim Domingo sa kaniyang instagram post ang suot na blue-green jacket gaya ng uniform ng players sa trending Netflix Series na 'Squid Game'.

Halos tatlong linggo ng nasa listahan ng Top Most Watched Netflix Series ang Squid Game simula nang ipalabas ito sa Netflix, September 17.

Gaya ng maraming Pinoy fans ng series, isa ang Kapuso Actress na si Kim Domingo sa talagang na-hook dito.

Sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, October 4, ibinida ni Kim ang kaniyang blue-green jacket na may label na number '259'. Kahawig ito ng uniform ng mga players sa nasabing series.

A post shared by Kim Domingo (@kimdomingo_)

Hula ng ilan kung bakit “Player No. 295” ang napili ng aktres, ito raw ay baka dahil ang birthday ng aktres ay February 3, 1995.

Para sa mga hindi pa nakakapanood, ang kwento ng Squid Game ay tungkol sa mga taong nabaon sa utang at may malalaking problema sa pera na napilitang magpa-recruit sa isang misteryosong organisasyon, na magdadala sa kanila sa isang isla na may iba't ibang playground.

Dito ay magiging players sila ng "twisted children's games" na may deadly consequences sa mga matatalo. Ang makaka-survive sa lahat ng laro ay mananalo ng 45.6 billion Korean won.

Ayon pa sa isang report, posibleng ang Squid Game ang maging most successful original content ng Netflix.

Samantala, kilalanin naman sa gallery na ito si Chris Chan ang Pinoy actor na kabilang sa cast ng Squid Game bilang si Player No. 276: