
Sa isang vlog, ibinahagi ni Angel Locsin at ng kanyang asawang si Neil Arce ang kanilang 'Squid Game' inspired na Halloween set-up. First time daw kasi nilang magsasama sa Halloween bilang mag-asawa kaya ginawa nilang espesyal ang kanilang Halloween party ngayong taon.
Binalikan pa ni Angel kung paano ginugunita ng kanilang pamilya noon ang Halloween.
"Alam niyo nung bata pa ako, hindi talaga namin ito sine-celebrate kasi wala naman kaming trick or treat sa community namin. Lumaki ako sa community na ang celebration namin is 'yung mismong araw ng mga patay. So pupunta kami sa sementeryo, matutulog kami doon, may mga bitbit kaming mga pagkain, baraha, tsaka kwentuhan ng mga nakakatakot, kasama ng pamilya ko, at siyempre may pa-dasal," kwento ni Angel.
Ayon pa sa aktres, Halloween daw ang pangalawa sa pinakapaborito niyang okasyon sunod sa Pasko. "Pero ngayon na adulting na ako, simula siguro nung nag-20s na ako parang naramdaman ko na mas naging paborito ko ang Halloween. Siyempre next sa Christmas, 'yung Halloween ang iniisip ko na paboritong-paborito ko talaga."
Dagdag pa ng kanyang asawang si Neil, "First year namin ni Angel na magha-Halloween sa iisang bahay so nag-decide kami na medyo gawing chill design (Halloween set-up). Kayo na lang ang humusga."
Sa Instagram, ipinost din ni Angel ang kanilang nakakatuwang paandar. "Hindi man tayo makalabas, we won't let this pandemic dampen our Halloween spirit," bahagi ng caption ng aktres.
Sa first part ng kanilang Halloween party vlog, makikita na si Angel ang maglalaro bilang Player Number 1 na naka-green jacket at pants habang si Neil naman ang masked frontman ng 'Squid Game' suot ang all-black costume. Inimbitahan din nila ang kanilang mga kaibigan para maging players at masked manager.
Panoorin ang kanilang vlog dito:
Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang ilang kilig photos nina Angel Locsin at Neil Arce: