
Ibinahagi ni Kim Rodriguez ang bago niyang kinahihiligang sports ngayon, ang pagmomotorsiklo.
Inside link:
Sa Instagram, ipinakita ni Kim ang una niyang training kasama ang Philippine Superbike Champion na si Dashi Watanabe.
"First-day training with [Dashi Watanabe]," pagbabahagi ni Kim.
Hindi na lang sa cycling nahihilig si Kim dahil ngayon ay "new hobby" na niya ang pagmomotorsiklo.
Nagpaabot naman ng suporta ang ilan sa mga tagahanga ni Kim. Marami rin ang nabigla sa piniling outdoor sports ng aktres.
"Astig! Ride safe always Ate Kim," sulat ni @chamadlangbayan.
"Be safe and ride safe," pagsuporta ni @bernardmg_.
"[Dashi Watanabe] baka another champ in the making na naman 'yan," pagbabahagi ni @asnamorratilim.
"Gorgeous as ever cute idol," sabi ni @aloraluchavez.
Samantala, mapapanood si Kim ngayong Sabado sa "Magkaibigan" episode ng bagong Wish Ko Lang kung saan gagampanan niya ang karakter ni Mariel, ang mayamang kaibigan ni Rabiya Mateo.
Tingnan ang magagandang larawan ni Kim Rodriguez sa gallery na ito: