
Handa na rin ba ang inyong Christmas tree para ngayong Pasko?
Sagot ni Kapuso actress Bea Alonzo ang ilan sa tips kung paano mapapanatiling maayos at maganda ang inyong Christmas trees.
Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Bea ang ginagawa niya para tumagal ng maraming taon ang kanyang Christmas tree.
Ayon sa aktres, kinakailangang ihiwalay ang lahat ng sanga nito at ipwesto nang maayos sa kahon. Siguraduhin ding malinis ang inyong pagtataguan. Mas makabubuti kung babalutan ito ng Japanese paper para hindi mag-moist at pasukin ng maliliit na insekto.
Sa pag-aayos naman ng Christmas lights, mas makabubuti kung gagamit ng silicon straps para hindi ito magbuhol-buhol.
Ipinupulupot ni Bea ang mga kumukutitap na Christmas lights sa loob ng mga sanga ng Christmas tree at inilalagay niya naman sa labas iyong steady lamang ang ilaw.
Pagdating naman sa dekorasyon, ibinahagi ni Bea na noon pang 2012 niya nabili ang ornaments para sa kanyang Christmas tree na karamihan ay babasagin. Una ring idinidisenyo ng aktres ang malalaking ornaments.
Ibinahagi din ni Bea na pangarap niyang dalhin sa Switzerland ang kanyang pamilya sa Pasko.
Samantala, tingnan sa gallery na ito ang Christmas trees ng ilang celebrities: