GMA Logo aiai delas alas
Celebrity Life

Aiai Delas Alas, kumasa sa TikTok trend na 'Toxic challenge' habang nasa snow

By EJ Chua
Published January 18, 2022 1:45 PM PHT
Updated January 19, 2022 6:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire engulfs warehouse in Caloocan City
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

aiai delas alas


Todo sa paghataw si Aiai Delas Alas sa kanyang entry para sa nauusong “Toxic dance challenge” sa TikTok.

#ElsaLeftTheGroup!

Good vibes na naman ang hatid ng comedy queen na si Aiai Delas Alas nang kumasa siya sa Toxic dance challenge na trending ngayon sa TikTok.

Suot ang kanyang sexy bodysuit, todo sa paghataw si Aiai kahit pa nasa kalagitnaan ng snow.

Tila hindi alintana ang napakalamig na klima dahil makikitang labis na nag-e-enjoy ang aktres sa pagsasayaw.

Bukod sa pagkembot, game na game ring nag-tumbling ang 57-year-old comedienne actress habang siya nasa snow.

Lubos na naman itong kinagiliwan ng netizens at pati na rin ng mga kasama ni Aiai sa showbiz.

Kaya naman, napuno ng positive comments ang kanyang post.

Ilan sa naaliw sa latest dance video ni Aiai ay ang Kapuso comedienne si Pokwang, ang aktres na si Ina Feleo, ang dancer na si Joshua Zamora, at marami pang iba.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 39.2k views ang dance video ni Aiai sa kanyang TikTok account.

@msaiaidelasalas

Tata tumbling sana ko kaso ...... waley hahaha

♬ Toxic x Pony - ALTÉGO

Inupload din ni Aiai ang kanyang video sa Instagram at sa ngayon ay mayroon na itong mahigit 184k views.

Kamakailan lang ay napasaya rin ni Aiai ang netizens sa pamamagitan ng isang video, kung saan mapapanood siyang nagli-lip sync at pine-perform ang kantang “Let It Go” na sumikat sa Disney movie na Frozen.

@msaiaidelasalas

O natupad din nyeta ang lamig hahahaha pero laban sa larangan ni elsa hahahahhaa

♬ Let It Go (From "Frozen") - Movie Sounds Unlimited

Kapansin-pansin namang very supportive ang asawa ni Aiai na si Gerald Sibayan dahil siya raw ang kumukuha ng mga video ng Kapuso comedienne.

Sa kasalukuyan, sinusulit ni Aiai at ng kanyang asawa ang kanilang bakasyon sa United States.

Ayon sa isang interview, nakatakdang umuwi ang comedy queen sa Pilipinas ngayong January 2022.

Samantala, tingnan ang sweetest photos ni Aiai Delas Alas at ng kanyang asawa na si Sibayan sa gallery na ito: