GMA Logo Alodia Gosiengfiao
Celebrity Life

Alodia Gosiengfiao shares tips on how local streamers gain more viewers

By Jimboy Napoles
Published January 25, 2022 10:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Alodia Gosiengfiao


May payo ang kilalang vlogger, gamer at cosplayer na si Alodia Gosiengfiao sa local streamers. Alamin DITO:

Esports ang isa mga pinakamaunlad na industriya ngayon na dala ng makabagong teknolohiya.

Sa Pilipinas, isa sa pinaka-kilalang gaming streamer ay ang cosplayer, social media influencer at Tier One Entertainment co-founder na si Alodia Gosiengfiao.

Sa isang Eat Bulaga throwback episode, binalikan nito ang naging pagsali ni Alodia sa 'Bawal Judgmental,' kung saang ibinahagi niya kung paano siya nag-simulang maging vlogger, streamer, at kung paano nakakukuha ng maraming followers at viewers ang ilang local streamers.

Taong 2008 pa raw nagsimulang maging content creator si Alodia, simula sa pagbi-video sa mga cosplay events, hanggang sa pagiging vlogger at streamer. Isinabay niya raw ito noon sa kanyang pag-aaral.

Kuwento niya, "Ang ginawa ko naman binalanse ko, tinapos ko 'yung studies ko tapos nag-full time ako sa pagko-cosplay, sa pagge-gaming and so far luckily naging industriya ito na malaki and nakatutulong siya sa mga tulad namin na mga geek na maging full time career ito."

Maaari na rin daw magsimulang maging online gaming streamer sa lahat ng social media platforms ngayon.

Aniya, "Actually yung pag-i-stream is pwede sa [lahat]. Nag-adjust na rin 'yung iba pang platforms meron sa Instagram, meron sa TikTok, YouTube, sa Facebook, at sa Twitter. Lahat 'yun iba't ibang format."

Para kay Alodia, may dalawang rason daw kung bakit nakakukuha ng maraming followers at viewers ang isang game streamer.

"May 2 reasons siguro kung bakit ka pinapanood, it's either pro-player ka or pwede rin dahil sa entertainment value na pino-provide mo sa kanila. So pwedeng comedian ka or nagko-cosplay ka or mayroon kang itinuturo na values or like how to set-up your stream," ani Alodia.

Panoorin ang throwback video ng masayang kulitan nina Alodia at ng Eat Bulaga hosts, DITO:

Mapapanood ang Eat Bulaga, Lunes hanggang Sabado, 12 p.m sa GMA.

Samantala, kamakailan ay naging trending din ang larawan ni Alodia sa isang event matapos niya itong i-post sa Facebook na may caption na "Hi, ako nga pala 'yung sinayang mo." Maraming mga netizens ang inugnay ito sa kanyang ex-boyfriend na si Wil Dasovich.

Sa isang post, agad namang itinanggi ni Alodia na hindi ito patungkol kay Wil. Aniya, "Thank you guys for the support but yesterday's post was based on a meme quote I saw somewhere on the intarweb but a few people took it seriously so sorry for the confusion!"

Samantala, balikan ang relationship timeline ng ex-celebrity couple na sina Alodia at Wil sa gallery na ito: