
New year, new tattoo ang ipinakita ni Carla Abellana sa kaniyang YouTube channel.
Sa bagong vlog ng Kapuso actress ay ipinakita niya na nagpa-tattoo siya kasama ang kaniyang kapatid. Ginawa ito sa bahay ng kaniyang mommy at stepfather.
Pag-amin ni Carla sa kaniyang vlog ay matagal na niya pinaplano ang pagpapa-tattoo.
"I've been wanting to get a new tattoo actually. I've been planning to get two tattoos. But today, I will get just one. One lang muna," Saad ng aktres.
Pinili ni Carla na ilagay ang tattoo sa likod ng kaniyang tenga.
Kuwento ni Carla, "They say it's not as painful because it's in a boney area, not in a fleshy area. Let's hope that's true."
Dugtong pa niya, "Finally, samahan ninyo ako, new year, new tattoo."
Photo source: Carla Abellana (Youtube)
Pagkatapos ng kaniyang pagpapa-tattoo ay ibinahagi ni Carla ang experience niyang ito sa kaniyang vlog.
Ayon kay Carla, "It was very comfortable, sobrang gaan ng kamay ng tattoo artist. No pain whatsoever."
Ibinahagi rin ni Carla na pareho ang kaniyang experience sa kaniyang kapatid na nagpa-tattoo rin sa likod ng kaniyang tenga.
"Totoo 'yung sabi ng sister ko kasi she has a tattoo behind her ear also. Totoo 'yung sabi niya na halos makakatulog ka dahil hindi siya masakit at all."
Panoorin ang tattoo vlog ni Carla:
Samantala, kilalanin ang iba pang Pinay celebrities na may mga tattoos sa gallery na ito: