GMA Logo Paul Salas, Prince Clemente, Jon Lucas, and Lucho Ayala
Celebrity Life

Former 'Descendants of the Sun' cast plays 'Never Have I Ever' in Paul Salas's vlog

By EJ Chua
Published February 8, 2022 8:29 PM PHT
Updated February 8, 2022 8:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ysabel Ortega, nagtampo nang mag-solo trip si Miguel Tanfelix sa South America?
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Paul Salas, Prince Clemente, Jon Lucas, and Lucho Ayala


Paul Salas, Prince Clemente, Jon Lucas at Lucho Ayala, nagsama-sama para sa isang vlog!

Para sa pinakabagong vlog ni Paul Salas sa kanyang YouTube Channel, inimbitahan niya ang kanyang former Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) co-stars na sina Prince Clemente, Jon Lucas, at Lucho Ayala.

Sa unang parte ng kanyang vlog, masayang ibinahagi ni Paul na matagal na raw nilang pinaplano na gumawa ng isang content ngunit ngayon lang ito natuloy.

Nang maipaliwanag na ng aktor ang kanilang gagawin, nagsimula na silang maglaro ng trending group game na “Never Have I Ever.”

Sabay-sabay na sinagot nina Prince, Jon, Lucho, at Paul ang witty questions na inihanda para sa kanila.

Isa sa mga tanong na kanilang sinagot ay tungkol sa kissing scenes na nagawa na nila sa pagtatrabaho sa mundo ng showbiz.

Makulit din nilang sinagot ang mga katanungan patungkol sa hygiene, mga nakakatawang childhood memories, at ilang topics na nakakatawa.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 17,000 views ang vlog na in-upload ni Paul sa kanyang channel.

Matatandaang napanood ang mga aktor sa GMA Philippine television drama action series na Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) noong 2020. Ito ay pinagbidahan nina Jennylyn Mercado at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Samantala, tingnan ang tweetums at sexy photos ni Paul Salas sa gallery na ito: