
Ipinakita ni Comedy Queen Aiai Delas Alas ang kanyang sexy physique sa bagong niyang TikTok video.
Dito ay sumayaw ang Raising Mamay lead star na nakasuot ng green bikini habang naka-break sa taping para sa bago niyang GMA series.
Makikita rito ang makinis na kutis at fit body ni Aiai sa edad na 57. Napanatili niya ang kanyang pangangatawan sa pamamagitan ng pagwo-workout at pagkain ng mga organic food.
@msaiaidelasalas Sino si amelia??? Gusto ko lang mag 2 piece baka makilala ko sino si amelia
♬ original sound - 𝑳𝒂𝒓𝒂✨
Sa ngayon, may mahigit 48, 000 views na ito sa Tiktok. Ishinare niya rin ito sa Instagram at nakakuha naman ng mahigit 175, 000 views.
Marami naman ang humanga sa beach-ready body ni Aiai kabilang na ang Kapuso comedian na si Betong Sumaya at Raising Mamay co-star niyang si Ina Feleo.
Umuwi ng Pilipinas si Aiai mula Amerika, kung saan siya legal resident, para sa lock-in taping ng Raising Mamay. Nakatakdang bumalik ng US ang aktres pagkatapos ng produksyon ng bago niyang TV project na sasailalim sa dikresyon ni Don Michael Perez.
Bago lumipad ng Amerika noong huling parte ng 2021, napanood si Aiai bilang judge ng GMA musical competition na The Clash.
Tingnan ang buhay ni Aiai at asawa niyang si Gerald Sibayan sa Amerika sa gallery na ito: