
Ibinahagi ni Bianca Umali kung anu-ano ang kaniyang mga pinagkakaabalahan kapag wala siyang taping.
Sa "A Day in My Life" vlog ni Bianca, ibinahagi niya kung ano ang ginagawa niya kapag free day niya mula sa kaniyang showbiz commitments.
Photo source: YouTube: Bianca Umali
Ilan sa ipinakita ni Bianca ay ang kaniyang morning routine, activities with her fur babies, errands, at ilang paghahanda sa kaniyang lock-in taping.
Mapapanood din sa kanyang vlog kung paano siya naghahanda pagdating sa work meetings. Sa katunayan, sa isang bahagi nito, makikita ang aktres sa loob ng kanyang kotse habang nasa Zoom meeting.
"I just love working, and I love being on the go all the time," sabi ni Bianca.
Sa comment section, hinangaan si Bianca ng mga nakapanood ng kanyang vlog dahil sa pagiging independent niya.
Sabi pa sa isang comment, "It's just a simple day in her life yet you can see how independent, respectful and responsible she is."
Panoorin ang "A Day In My Life" ng isa sa Sparkle's Brightest Stars of 2022 dito:
Samantala, balikan ang ilang showbiz achievements ni Bianca: