Manilyn Reynes is one cool mom on TikTok
Bukod sa Kapuso teen stars na napapanood sa TikTok, ilang celebrity moms ang sinusubaybayan na rin ngayon ng netizens.
Isa na rito ang aktres na si Manilyn Reynes na magpapatunay na hindi lang bagets ang bida sa naturang video sharing app.
Ilang videos kasi ni Manilyn ang kinagigiliwan ngayon ng netizens dahil sa kanyang walang kupas na husay sa pagsasayaw.
Sa katunayan, isa sa kwelang videos ng aktres ay humakot ng mahigit 1.1 million views.
@manilynreynes Oo nga na naman 🤣🤣🤣
♬ original sound - JUN_JUN_PISON
Nasa mahigit 740,000 views naman ang isa pang makulit at kwelang TikTok video ng aktres kung saan napanood siyang ginagaya ang isang bata.
@manilynreynes A 'di tingnan mo …😅😅😅
♬ original sound - mr_russramirez on IG
Ang entry naman ni Manilyn para sa kantang "Body Dancer" na nauso noong taong 1986 ay mayroon nang mahigit 590,000 views.
@manilynreynes At dahil April na, i-BODY DANCER! na 'yan! 💃🏼🎶🎵💕
♬ original sound - Barry ALLEN 🇵🇭 - Barry ALLEN🇵🇭THABRADAZPHCLO
Bukod sa mga ito, mapapanood ang iba pang nakaaaliw na videos ni Manilyn sa kanyang TikTok account na sa kasalukuyan ay mayroon nang 487,000 followers at 2.6 million likes.
Si Manilyn Reynes ay parte ng original cast ng high-rating Kapuso sitcom na Pepito Manaloto.
Samantala, kilalanin ang iba pang cool celebrity moms sa TikTok sa gallery na ito: