
Proud na ipinakita ng The Clash Season 2 grand winner na si Jeremiah Tiangco sa Instagram ang kanyang latest investment.
Nakapagpundar ang Kapuso singer ng isang coffee shop na matatagpuan sa Imus, Cavite matapos manalo sa Kapuso musical competition noong 2019.
Biyaya Café ang ipinangalan niya sa kanyang maliit na negosyo.
"Unti-unti na natutupad ang matagal kong pinaghirapan!😭 salamat sa mga taong tumulong sa 'kin para maging posible 'to🙏🏼 simula palang 'to.🥰
"Talagang biyaya ka sakin. @biyaya_cafe," sulat ni Jeremiah sa isa niyang post.
Sa post, mapapanood na siya mismo ang naglilinis ng sahig ng kanyang bagong coffee shop.
May pagka-industrial ang disenyo ng kanyang café na nilagyan niya ng boho accents gaya ng rattan chairs at palm straw chandelier.
Ayon sa All-Out Sundays star malapit na niyang buksan sa publiko ang kanyang coffee shop.
Maliban kay Jeremiah, maraming celebrities din ang naglunsad ng kani-kanilang negosyo sa gitna ng COVID-19 pandemic tulad nina Dingdong Dantes, Aiai Delas Alas at Andrea Torres. Narito ang iba pa: