GMA Logo ken chan
Celebrity Life

Ken Chan, malapit nang magbubukas ng pangatlong branch ng Cafe Claus

By Marah Ruiz
Published July 24, 2022 2:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Oscars to stream exclusively on YouTube from 2029: Academy
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

ken chan


Malapit nang magbukas ng panibagong branch ang Cafe Claus ni Ken Chan. Alamin kung saan ang pangatlong location ng cafe dito.

Madaragdagan ang branches ng Cafe Claus, ang year-round Christmas cafe ni Kapuso star Ken Chan.

Matapos kasi ang mainit na pagtanggap sa dalawang naunang branches nito sa Tandang Sora at Greenhills Promenade, nakatakda itong magbukas ng pangatlong location.

"Medyo mabi-busy kami ngayon dahil magkakaroon na kami ng third branch at itatayo namin sa Eastwood City Walk. Medyo doon ako mabi-busy ngayon habang wala pang trabaho, habang wala pang taping and shooting," bahagi ni Ken.

Sa muling paglago ng kanyang negosyo, binalikan niya ang naging inspirasyon niya para magbukas ng sariling restaurant.

"Bago namin nabuo 'yung Cafe Claus, mahaba-habang proseso. Hindi rin siya biglaan naisip tapos naitayo kagad. Tatlong taon in the process itong Cafe Claus. Gusto ko na talaga, bata pa lang. Pangarap ko na talagang magkaroon ng isang cafe or restaurant kasi na-inspire ako sa dad ko and sa mom ko. Before, 'yung family ko, mayroon kaming business dati. It's a Chinese restaurant sa may Quezon Avenue. Ang pangalan niya ay Golden Pearl, kung familiar kayo doon mga Kapuso," paggunita ni Ken.

Good memories daw kasi ang hatid sa kanya ng kanilang restaurant kaya nagpursigi siyang ganoong linya rin ng negosyo ang tahakin.

"Bata pa lang ako nagpupunta ako doon. Nakikita ko 'yung mga chef, nakikita ko ang daming tao, ang saya saya ng mga customer. 'Yung mga isda na nasa aquarium, lagi kong nilalaro 'yung mga isda doon. Ang saya saya lang, para ko siyang naging playgraound. Doon ako na-inspire. Doon nagsimula akong mangarap na sana balang araw pagtanda ko, sabi ko sa sarili ko, sana magkaroon ako ng ganito," lahad ni Ken.

Samantala, very special din para kay Ken Greenhills na napili nila bilang location ng second branch ng Cafe Claus.

"Alam mo, ang Greenhills kasi parang second home ko na 'yan eh. Dahil si Tatay, si Kuya Germs, lagi kaming dinadala diyan sa Greenhills. Favorite niya talaga diyan sa Greenhills. Si Tatay 'yng nag-introduce sa amin sa Greenhills," bahagi ni Ken.

SILIPIN ANG PAGBUBUKAS NG IKALAWANG CAFE CLAUS DITO:

Panoorin din ang tour ni Ken sa Cafe Claus dito: