GMA Logo Camille Prats and Angelica Panganiban
PHOTO SOURCE: YouTube: Camille Prats Yambao
Celebrity Life

WATCH: Camille Prats is reunited with her childhood friend Angelica Panganiban

By Maine Aquino
Published August 13, 2022 6:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Camille Prats and Angelica Panganiban


Silipin ang masayang reunion nina Camille Prats at Angelica Panganiban.

Muling nagsama ang dalawa sa kilalang child stars noong '90s na sina Camille Prats at Angelica Panganiban.

Ang reunion nina Camille at Angelica ay para sa series ni Camille na #CamCookWithMe sa YouTube.

Camille Prats and Angelica Panganiban

PHOTO SOURCE: YouTube: Camille Prats Yambao

Saad ni Camille sa kanyang YouTube channel, "First time sharing the screen with her after decades long. Major catch up and a trip down memory lane as we recall some of the most memorable things we did together growing up :)"

Sa episode na ito, nagluto silang dalawa ng easy-to-prepare na potato bites kaya napuno ng tawanan ang dalawa sa paghahanda nito. Naging memorable ang patatas sa dalawa dahil sa mga eksena sa pinagsamahan nilang pelikula noong 1995 na Sarah... Ang Munting Prinsesa.

Si Camille ay ang gumanap na Sarah habang si Angelica naman ay gumanap na Becky.

"Grabe ang trending nito, nagsama 'yung dalawa tapos nagbalat lang din ng patatas!" Natatawang saad ni Angelica.

Habang nagluluto ay napa-throwback naman ang dalawa sa kanilang masasayang moments bilang child stars. Ibinahagi rin nina Camille at Angelica ang mga aral na natutunan sa paglaki sa showbiz pati na ang mga pinagdaanan nila bilang teen stars.

Panoorin ang masayang episode na ito sa YouTube channel ni Camille:

SAMANTALA, BALIKAN ANG BABY SHOWER NI ANGELICA: