
Ang pagmomotor ang takas ng karakter ni Yasser Marta sa GMA Telebabad series na What We Could Be. Pero, in real life, ito rin ang hobby ng aktor.
Makikita sa kanyang Instagram account ang mga napuntahan niyang lugar lulan ng kanyang motorsiklo.
Ilan lamang sa kanyang mga nabisita ang Pagudpud sa Ilocos Norte, General Nakar sa Quezon, at Rizal.
Nakasali na rin si Yasser sa mga cycling race.
Dahil sa pagmomotor, nakakokonekta si Yasser sa kalikasan, bagay na simpleng kasiyahan ng aktor.
Ayon sa isa niyang Instagram post kung saan makikita ang Sierra Madre, "And into the mountains I go to lose my mind and find my soul."
Para kay Yasser, best adventure ang pagro-roadtrip gamit ang kanyang mga most-prized motorcycle.
Humbling experience din ito para sa 26-year-old celebrity dahil natututunan niyang makibagay sa mga lokal sa mga liblib na lugar ng mga probinsyang kanyang pinupuntahan habang nagmomotor camping.
Hindi rin astang artista si Yasser dahil hindi niya alintana ang putik na kanyang dinaraanan sa mga cycling trail.
NARITO ANG IBA PANG ARTISTANG MOTORCYCLE ENTHUSIASTS: