GMA Logo Alfred Vargas
Celebrity Life

Alfred Vargas, nagulat sa reception sa kanya ng TikTok community

By Gabby Reyes Libarios
Published January 10, 2023 8:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Alfred Vargas


Wish ni 'Arabella' actor Alfred Vargas na hangga't maaari tuluy-tuloy lang ang "good vibes" ng netizens sa TikTok.

Kakaibang pride ang nararamdaman ng Arabella actor na si Alfred Vargas nang marating niya ang 500K followers sa kanyang TikTok.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Quezon City councilor na overwhelming para sa kanya ang ganitong milestone, lalo na't bago lang siya sa TikTok.

Sulat ni Alfred sa kanyang post, "We are now half million followers strong!!! Sobrang overwhelming ang pagbuhos ng support, likes and follows. We will continue bringing smiles, good vibes, and public service you all deserve. Thank you sa inyong lahat."

Hindi man gamay na gamay ang TikTok, "super enjoy" naman si Alfred sa panonood at paggawa ng videos dito. Sa isang email interview sa GMANetwork.com, sinabi niya na itinuturing niyang malaking milestone ang pagkakaroon ng 500K followers.

"I super enjoy the platform and I ultimately enjoy the company of my followers in TikTok. Nakakagoodvibes talaga. It's good for me actually. Tiktok is my antidote to stress. Hehe."

@alfredvargasph HAPPY 500K FOLLOWERS! Maraming Salamat💙 #fyp #fypシ #foryoupage #alfredvargas #vargasnapagibig #500k ♬ original sound - <3


Kasalukuyan, ang kadalasang content ni Alfred ay videos ng kanyang pamilya at pag-entertain niya sa ilang katanungan mula sa fans.

"'Yung timpla ko sa audience: Basta gawin mo lang kung sino ka. Huwag pilit. Enjoy mo lang."

Sinimulan ni Alfred ang kanyang TikTok noong July 2022 lamang. Matagal na raw siyang in-e-encourage ng ilang fans na gumawa ng account pero dahil busy sa kanyang trabaho bilang public official ng Quezon City, hindi niya napagtuunan ng pansin ang naturang social media platform.

"Yes, I started exactly last July 1, 2022. Ever since, years back, people were already messaging me to have my own Tiktok account but I never had the time. After June 30, my last day of completing my three terms as congressman of QC, I suddenly had enough time to bond with my fans and friends via TikTok."

@alfredvargasph Christmas day with family is the best 💙 #christmas #vargasnapagibig #fyp #foryoupage #yasminevargas #alfredvargas #alexandravargas #aryanavargas #cristianovargas ♬ original sound - chrstn


Do'n niya napagtanto na masaya pala ang pagti-TikTok. Karamihan rin sa kanyang mga kaibigan enjoy na enjoy dito.

"Tiktok is fun, and puro good vibes. I've seen my friends na enjoy na enjoy sila magTikTok and super dami na talagang may TikTok. So why not try it?"


TikTok Tito

Aminado ang aktor na sa una ay "weird" at "awkward" para kanya ang gumawa ng content, lalo na't alam niya na karamihan sa TikTok users ay kabataan.

Bagamat nag-e-enjoy siya sa panonood ng content ng iba, hindi niya naisip na magiging kumportable siya sa paggawa mismo ng sarili videos.

"Yes. Weird yung feeing noong una. Pero nagulat ako sa reception ng tao. I felt so welcome agad. Reading their comment also encouraged me to do more content. Ang saya!

Tawang-tawa rin siya sa ilang nagko-comment na naalala pa nila ang mga dati niyang roles, tulad na lang ng pagganap niya bilang Aquil sa hit 2005 primetime series na 'Encantadia,' ang orihinal na bersyon na pinagbidahan nina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Karylle, Diana Zubiri bilang mga Sang'gre.

"I am able to connect to the younger generation. Ang dami kong nakukuhang comments na 'Crush ka ng mommy ko noong nasa Encantadia ka,' or 'Ikaw ang first crush ko noong bata pa ako.' Hahahaha. Napapaghata na ang edad!"

Malaki rin ang pasasalamat niya sa kanyang staff na karamihan ay millennials at Gen Z, dahil sila ang nagtuturo sa kanya kung ano ang puwede at di puwedeng ipost sa TikTok.

"Anything I enjoy doing, 'yan sabi sa'kin ng staff ko. Dapat enjoyin lang. Kaya ako open ako to do different kinds of contents for TikTok basta trip ko."

Bukod sa pagpapasaya ng kanyang fans, naging daan rin ang TikTok para maabot niya ang mas malawak na audience.

Kaya hangad ni Alfred na sana patuloy na maging responsable ang users sa pagpopost at pagse-share ng content upang mapanitili ang magandang dulot ng TikTok.

"Yes. I've seen its immense power in reaching the young audience. Sana patuloy nating gamitin itong platform in spreading good vibes and good deeds. Kasi honestly di ba, may ibang platforms na super negative na? Sana hindi ito mangyari sa TikTok. Kasi dito ko nashe-share din ang mga nagagawa natin sa office at sa district."


Pakikiramay

Aktibo man ang aktor online, aktibo rin siya on the ground. Kamakailan nagpost si Alfred sa Instagram ng photos ng kanyang personal na pagbisita sa constituents na namatayan sa Quezon City.

Isang post na ibinahagi ni Alfred Vargas (@alfredvargasofficial)


Sulat ni Alfred:

"Bahagi ng buhay natin bilang Pilipino at bilang lingkod bayan ang makiramay sa mga pagsubok at pasanin ng ating mga kababayan.

"Sa maraming beses, literal ang pakikiramay na ito, kasama ang mga naulilang pamilya, kaibigan, at mahal sa buhay. Sa maikling sandali, naipapadama natin na makakasandal sila sa atin personally at may maasahan silang tulong mula sa mga programa ng ating opisina, lungsod, at pamahalaan.

"Dito sa #D5QC, pamilya na tayo through the years. Walang perpektong pamilya, pero magkasama tayo anuman ang pagsubok na dumating."

"Service to humanity is the best work of life. I am a Filipino and I will always serve my country with all my heart "

Hoping si Alfred na ang kanyang Instagram post ay maging reminder sa publiko na isang social responsibility ng isang indibidwal, public official man or private citizen, ang pakikiramay sa mga kapitbahay at pamilyang may mabigat na pinagdadaanan.

Alam ni Alfred ang sakit na mawalan ng minamahal sa buhay. Aminado siya na hanggang sa ngayon, miss na miss pa rin niya ang kanyang inang si Atty. Susana “Ching” Vargas, na namatay sa sakit na cancer noong March 2014.

Matatandaan na minsan na rin binanggit ni Alfred na si Atty. Susan ang biggest inspiration sa kanyang pagkuha ng Master of Public Administration degree sa the University of the Philippines (UP) National College of Public Administration and Governance (NCPAG).

Hindi rin pinapalampas ni Alfred na alalahanin ang kanyang yumaong ina sa kanyang birthday at death anniversary.

Isang post na ibinahagi ni Alfred Vargas (@alfredvargasofficial)

SILIPIN ANG BUHAY NI ALFRED BILANG ISANG FAMILY MAN: