
Talagang happy ang birthday ng aktor na si Nikko Natividad ngayong tao dahil nakatanggap siya ng brand-new SUV mula sa kaniyang misis na si Cielo Eusebio.
Sa Instagram post ni Cielo, ipinasilip niya ang bagong Ford Everest na regalo niya para asawa.
Hindi rin niya nakalimutang humirit kay Nikko sa caption, “Advance happy birthday mahal @nikkonatividad bawi ka sa balemtayms okay?”
Inanunsyo ni Nikko ang engagement nila ni Cielo noong August 2021; at Oktubre ng parehong taon, ikinasal silang dalawa sa Club Ananda sa Nasugbu, Batangas.
Meron na silang isang supling na si Aiden.
SILIPIN ANG CELEBRITIES AT KANILANG BAGONG KOTSE NOONG 2022 SA GALLERY NA ITO: