Celebrity Life

Kim Rodriguez, may galit nga ba sa kanyang ama?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 28, 2020 7:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Brook Lopez's 9 treys power Clippers to win over Blazers
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers
'PBB' housemate Joj Agpangan weds fiancé in Austin, Texas

Article Inside Page


Showbiz News



Inamin ni Kapuso actress Kim Rodriguez sa GMANetwork.com na noon daw ay wala silang oras ng kanyang pamilya sa isa't isa. Pero mula raw nang mag-umpisa ang 'Paraiso Ko’y Ikaw', unti-unti na raw niyang nararamdamang nabubuo na silang muli.

Inamin ni Kapuso actress Kim Rodriguez sa GMANetwork.com na noon daw ay wala silang oras ng kanyang pamilya sa isa't isa. Pero mula raw nang mag-umpisa ang Paraiso Ko’y Ikaw, unti-unti na raw niyang nararamdamang nabubuo na silang muli.

Lumaki si Kim nang wala ang kanyang mga magulang dahil hindi niya kilala ang kanyang ama at isang Overseas Filipino Worker (OFW) naman sa Japan ang kanyang ina. Tanging ang namayapang lola niya lamang ang nagpalaki sa kanya. Taong 2013 lang nang biglang magpakita ang ama ni Kim sa kanya.

Kuwento ni Kim, nagkaroon lang daw siya ng pagkakataong makilala nang lubos ang kaniyang ama at ang pamilya nito noong nag-umpisa na ang Paraiso Ko’y Ikaw. “Kasi po dati hindi ko nakakasama 'yung pamilya ko. Pero ngayon, mayroon na kaming time sa isa't isa,” aniya,

Dagdag pa ni Kim, “’Yung mga kapatid ko po sa daddy ko nakakasama ko na po sila ngayon. Nagkakaroon na po kami ng bonding.”

Itinanong namin kay Kim kung kumusta ba ang kanyang relasyon sa kanyang ama at totoo bang may galit siya rito. “Okay naman po siya. Nagkita po kami last week noong dumalaw po ako sa San Mateo (Rizal). Okay naman, wala naman po kaming ilangan ni Papa, okay po kami,” sagot niya.

Linaw ni Kim, wala naman daw silang tampuhan ng kanyang ama. “Hindi lang po kami nagkikita dati siguro dahil busy ako sa trabaho (at) busy din po siya sa trabaho niya. Pero ngayon po nagkakasama at nagkaka-bonding na po kami ng mga kapatid ko,” paliwanag niya.

Ani Kim, buti na lamang daw ay nariyan na ang kanyang ama sa tabi niya dahil medyo matagal na rin daw niyang hindi nakakasama ang inang OFW. Pero ayon sa kanya, kahit daw malayo siya sa kanyang ina ay hindi pa rin nawawala ang komunikasyon nila sa isa’t isa.

“Si Mommy po lagi po kaming magka-chat. Lagi ko po siyang tine-text at tinatawagan na - Mommy may taping ako, may pictorial po kami. Sobrang proud and happy po siya sa mga nararating ko ngayon,” kuwento ni Kim.

Patuloy na subaybayan si Kim Rodriguez sa Paraiso Ko’y Ikaw, weekdays before 24 Oras on GMA Telebabad. – Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com