GMA Logo Chie Filomeno retoke TikTok
Celebrity Life

Chie Filomeno answers comment about her promoting cosmetic surgery

By Aedrianne Acar
Published May 10, 2023 11:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang empleyado, naranasang maging Christmas party performer noong bagong hire sila
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Chie Filomeno retoke TikTok


Chie Filomeno couldn't help reacting to a netizen: “Bakit parang dine-degrade mo ang lahat ng tao nagparetoke parang ang sama-sama naming tao?”

Hindi pinalagpas ni Chie Filomeno ang isang komento ng isang netizen na 'tila inaakusahan siya na pino-promote ang pagpaparetoke.

Nagbigay ng maikling pahayag si Chie sa kaniyang TikTok account, kung saan sinagot niya ang post ng isang tao na nagsabi, “Women empowerment ba yan?? Ine-encourage n'yo mga kababaihan na magparetoke buong mukha kesa i-embrace 'yung natural na ganda ng Pinay lol.”

Sagot dito ng aktres, “Una sa lahat wala po tayong ine-encourage at wala po ako sinasabi o wala po tayong sinasabi na ito ang tamang gawin.”

Pagpapatuloy niya, “Ito ang dapat gawin, at saka, wala naman po masama sa pagpaparetoke or sa page-enhance sa kung ano'ng meron ka.

“Kung ito ang sa tingin mo magpapasaya sa'yo, magbibigay confidence sa'yo- why not do it?”

Naging matapang din si Chie sa pagsasabing hindi naman daw pera ng naturang netizen ang ginamit niya para sa kaniyang cosmetic enhancement.

Matatandaan na kinumpirma mismo ng dalaga sa isang panayam kay King of Talk na si Boy Abunda noong 2019 na nagparetoke siya ng ilong.

“Wala ka naman natatapakan na tao, wala kang nasasaktang tao. At isa pa, pera mo ba ang gamit ko sa pagpaparetoke ko?" tanong ni Chie.

“'Di ba hindi? Pero kung oo, oh sige, bayaran kita.

“At ang tanda-tanda na po natin, alam na natin kung ano ang tama sa mali. At yang ginagawa mo, yan 'yung mali. Bakit parang dine-degrade mo ang lahat ng tao nagparetoke parang ang sama-sama naming tao for, like, doing something that would make us happy nang wala kaming tinatapakang tao.”

May mahigit sa 270,000 views na ang video na ito ni Chie Filomeno sa TikTok.

@chiefilomeno Replying to @D♡ ♬ original sound - C H I E

HETO ANG ILAN PA SA CELEBRITIES NA UMAMIN NA NAGPARETOKE: