
Naghatid ng good vibes sa Instagram ang throwback post ng Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda.
Sa Instagram post ng OPM icon kahapon, May 12, ipinasilip nito ang kuha sa kaniya habang nagpe-perform noon.
Nakakatawang hirit ni Chito tungkol sa kaniyang katawan, “Hahahaha...langya.
“Ribs tayo dyan.”
Marami namang netizens ang tawa-tawa sa old photo na ito ni Chito, kahit ang Sparkle comedienne na si Rufa Mae Quinto napa-react sa kulit post niya sa Instagram.
Source: chitomirandajr (IG)
Ikinasal si Chito kay Neri Naig noong December 2014 at may dalawa na silang anak.
SILIPIN ANG BONGGANG REST HOUSE NINA CHITO AT NERI RITO: