GMA Logo Angela Alarcon
Source: angelaalarcon/IG
Celebrity Life

Angela Alarcon, ikinuwento kung saan nagsimula ang hilig niya sa pag-arte

By Kristian Eric Javier
Published June 23, 2023 12:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Zach LaVine has season-high 42 as Kings control Heat
'Wilma' weakens into LPA near Cataingan, Masbate
XG's Cocona undergoes top surgery, comes out as AFAB transmasculine non-binary

Article Inside Page


Showbiz News

Angela Alarcon


Nagsimula man sa maliliit na projects si Angela Alarcon, ngayon ay parte na siya ng dalawang malaking projects sa GMA.

Aminado ang Magandang Dilag at Sparkle star na si Angela Alarcon na naging malaking impluwensya ang tatay niyang si Jestoni Alarcon sa pagpasok niya sa showbiz. Pero ayon sa aktres, nagsimula talaga ang hilig niya sa pag-arte nang gumawa siya ng sariling music videos.

Sa interview ni Angela sa GMA Regional TV morning show na GMA Regional TV Early Edition, ikinuwneto ni Angela na elementary pa lang ay nagsho-shoot na siya ng mga music videos gamit ang kaniyang digital camera.

“Gumagawa ako ng mga music videos ko nu'n ta's ineedit ko, tapos pino-post ko siya online. Siguro nagsimula doon, 'yung mga small, little projects,” sabi nito.

Dagdag pa ni Angela, “Hanggang sa tumuloy na siya hanggang high school, sumasali na'ko sa plays, theaters, hanggang sa college, may kumukuha na sa 'kin sa film, hanggang sa nag-audition na 'ko sa GMA tapos, thank God, nakuha na 'ko.”

Sinabi rin ni Angela na malaking impluwensya sa kanya ang ama niyang si Jestoni, “Ever since kasi nanonood ako, bata pa lang, ng mga teleserye niya.”

Bagamat kilala ang beteranong aktor sa mga action na serye at pelikula niya, inilarawan ito ni Angela bilang isang “hands-on” na parent.

“Kasi sobrang kahit adult na talaga ako, very hands-on siya sa akin and sobrang very supportive sa lahat ng bagay,” sabi ng aktres.

Samantala, nagbigay naman ng kaunting teaser si Angela tungkol sa kaniyang role sa Magandang Dilag na pagbibidahan ni Herlene Budol. Ayon sa dalaga, siguradong kaiinisan daw ng mga viewers ang karakter niyang si Alisson Flores.

“Pero may onting development naman sa huli so kailangan subaybayan ninyo sa simula hanggang dulo kasi maiinis kayo, tapos matutuwa na hindi maintindihan,” sabi ni Angela.

Dagdag pa nito, “Basta, it's all a big surprise kaya abangan niyo 'yan, si Alison Flores, sa Magandang Dilag.”

Bukod sa Magandang Dilag, gumaganap din siya bilang si Chief Kelly Bautista sa mecha adaptation series na Voltes V: Legacy.

BAGO MAKILALA SI ALISSON, KILALANIN MUNA SI ANGELA SA GALLERY NA ITO: