GMA Logo pokwang
Celebrity Life

Pokwang, nagbigay ng tour sa kanyang summer house sa Bataan

By Maine Aquino
Published June 27, 2023 11:44 AM PHT
Updated June 27, 2023 12:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Moderate to heavy rain in parts of PH on non-working holiday Monday
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

pokwang


Pokwang, sa kanyang summer house sa Bataan: "Ito na po ang aking pinagpaguran. Pawis, luha, lahat 'yan."

Isang house tour ang unang hatid ni Pokwang sa subscribers ng bago niyang YouTube channel.

Matatandaan na gumawa ng bagong YouTube channel si Pokwang, ang Mamang and Malia, dahil ang dating social media accounts niya ay hawak ng dating partner niyang si Lee O'Brian.

Sabi noon ni Pokwang sa Instagram, "This is to officially inform everyone that @malia_obrian and I are no longer associated with the following social media accounts: PokLee Cooking Official YouTube, PokLee Cooking Facebook and Instagram, and PokLee Food Products Instagram."

Ayon pa sa TiktoClock star, sinubukan rin nilang makipag-negotiate sa former partner niyang si Lee O'Brian.

"We tried to negotiate with Mr. Lee O'Brian to recover the management of said social media accounts that contain Pokwang's image; however, he refused to come to an agreement with us."

Samantala, sa kanyang vlog, sinabi ni Pokwang na ang tour sa kanyang summer house sa Bataan ay kinunan noong 2022. Kasama ni Pokwang na nagbigay ng tour ang anak na si Malia.

Saad ni Pokwang, "Ito na po ang aking pinagpaguran. Pawis, luha, lahat 'yan. Dugo at pawis ika nga."

Binalikan pa ni Pokwang kung paano niya muntik bitawan ang lupang ito noon.

Ani Pokwang, "Noong 2009 nabili ko po 'yung lote na 'to, preselling pa noon. Sobrang mura ko pa siya nabili. Noong una hinayaan ko lang siya na nakatambak dito tapos sabi ko, ibenta ko na kaya 'yung lote kasi parang wala namang nangyayari, nakatambak lang."

Nang mag-guest siya sa programa noon ni Kris Aquino na Kris TV, doon nalaman ni Pokwang na may development na sa kaniyang nabiling lote.

Paliwanag ng Sparkle artist, natuwa siya na hindi niya ito naibenta at nagsimula na niyang gawin itong summer house.

PHOTO SOURCE: YouTube: Mamang & Malia

"Buti na lang pala hindi ko binenta. So, 2019 nag-start na kaming planuhin na kinausap ko na si engineer para doon sa design ng bahay. Ito na nga, hindi ba nga biglang nagpandemic so nag-stop kami ng gawa, nag-pandemic tapos nawalan pa kami ng trabaho."

Dugtong pa ni Pokwang, "Finally, unti-unti ganoon talaga tiyaga-tiyaga lang tayo, 'di ba? Tiis tiis lang sa mga nangyayari sa buhay. Ito na siya finally 2022, eto na po siya."

Saad ni Pokwang, bubuksan niya itong summer house na ito soon sa publiko.

"Hopefully, very very soon open po ito sa mga gustong mag-rent. Sa ngayon pagagandahin po muna namin at saka i-enjoy po muna namin ng pamilya ko."

SAMANTALA, SILIPIN ANG BAHAY NI POKWANG SA ANTIPOLO: