Celebrity Life

Ruru Madrid, inamin kung sino ang crush niya

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 19, 2020 6:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Zaldy Co was building 5-storey basement in Forbes Park to store cash — DILG
Bus trips in Laoag fully booked until January 1, 2026
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News



Naka-focus si Ruru ngayon sa kanyang career, kaya't wala siyang love life. Pero isang Kapuso star ang kanyang tinatangi.  

Isa si Ruru Madrid sa kinakikiligang Kapuso cuties. At hindi nakapagtataka na maraming may crush sa kanya dahil sa hindi matatawaran niyang talent sa pag-arte, pagkanta, at pagsayaw.

Sino naman kaya ang crush ni Ruru?

Nakausap namin ang Kapuso teen actor pagkatapos ng kanyang live chat kasama sina Ken Chan at Phytos Ramirez. Kuwento niya, busy siya ngayon sa workshops at may upcoming indie film pa siya.

May panahon pa kaya siya sa love life?

Ayon kay Ruru, career talaga ang kanyang focus sa ngayon, pero kung magkakaroon man siya ng ka-relasyon, hindi niya pipiliing magkaroon ng fling.

Aniya, “Pagdating sa relationships, mas gusto ko talaga ‘yung mga seryoso, kasi once na na-in love ka sa ka-fling mo, talo ka na. Kahit sabihin mo pang walang expectations, may possibility pa rin na mahulog ka sa trap. Masasaktan ka lang pag nagkaroon na siya ng iba.”

Hindi rin daw siya naniniwala sa “collect and select” pagdating sa pakikipag-date.

“For me, mas okay ‘yung isa lang ang dine-date mo kasi once na marami ‘yung dine-date mo nang sabay-sabay, hindi ka makakapag-focus,” ani Ruru.

Pagpapatuloy niya, “Wala kang makikilala nang husto. Baka mapagpalit-palit mo pa ‘yung details ng isa’t isa. At least pag isa lang, malalaman mo agad ‘yung interests at ugali niya. Stick to one!”

Maraming mga babae ngayon ang na-a-attract sa mga tinatawag na “player.” Paano malalaman ng babae na sincere ang isang lalaki sa kanya?

Para kay Ruru, dapat may effort ang lalaki na bigyan ka ng atensyon at oras.

Aniya, “Malalaman mo kung sincere ‘yung guy once nag-date kayo.
Obserbahan mo kung paano ka niya kausapin at itrato. Malalaman mo kung pinaplastik ka.”

Pagdating naman sa dating style, inamin ni Ruru na old school siya.

“Sa ganitong generation kasi, uso ‘yung text-text, pero recommended ko pa rin ‘yung ligaw talaga - ‘yung pupunta ka sa bahay niya. Mas maganda ‘yung alam ng mga magulang niya, kasi pag secret tapos nalaman ng parents niya, baka paghiwalayin kayo,” anang mestizo actor.

Walang dine-date si Ruru ngayon, pero tinanong namin siya kung may hinahangaan siya.

Sagot ni Ruru, “Si Barbie [Forteza], pero alam mo ‘yung crush lang na simpleng paghanga. ‘Yun lang.”

Nagkasama na noon sa Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa sina Ruru at Barbie. Kung bibigyan ng pagkakataon, gusto niyang makatrabaho muli ang dalaga.

Kasalukuyang napapanood si Ruru Madrid sa Sunday All Stars. Para sa iba pang updates, mag log-on lamang sa www.gmanetwork.com.

- Text by Samantha Portillo, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com