Article Inside Page
Showbiz News
Espesyal daw si Janine Gutierrez para kay Elmo. Gaano ka-special?

Anim na buwan nang magkatrabaho sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez sa
Villa Quintana. At sa loob ng panahong iyon, naging malapit na magkaibigan ang dalawa.
Magkaibigan nga lang ba sila hanggang ngayon?
Nakausap namin si Elmo noong birthday celebration niya kasama ang child scholars noong nakaraang linggo. April 27 ang ika-20 na kaarawan ni Elmo.
Ano ang iniregalo sa kanya ni Janine?
“Shoes and sweater na sobrang gusto ko. Siguro, hindi ko namamalayan pero baka lagi kong ikinukuwento sa kanya. Hinahanap ko siya for the longest time. Kakaiba pa ‘yung color niya. I’m very happy,” ani Elmo.
Inamin ni Elmo na hindi lang sa
Villa Quintana sila nagkakasama ni Janine. Lumalabas din daw sila kapag may libreng oras.
Ano-ano ba ang mga katangian ni Janine na nagpalapit sa kanya kay Elmo?
“Her positivity, her outlook in life, how she’s smart and all. She’s a good example to a lot of people,” sagot ni Elmo.
Maging ang pamilya niya ay napapalapit na rin kay Janine. Kuwento ng Kapuso actor, “They think she’s really nice. Lagi ko ngang ikinukuwento how she’s easy to work with. Kampante kami sa isa’t isa. She is special to me.”
Gaano ka-special?
“Nag-e-enjoy lang kami. Hindi pa naman kami sobrang magkakilala since less than a year pa lang kaming close. Nagkakakilala pa rin kami. What goes, goes,” tugon ni Elmo. Idinagdag niya na ang focus nila ni Janine ngayon ay ang kanilang show.
Paano kung may ibang makatambal si Janine pagkatapos ng
Villa Quintana?
Sagot ng actor-rapper, “Okay lang. I don’t wanna be selfish. Siyempre, wala rin naman tayong right na sabihing dito lang tayo dapat. As much as possible, I’m sure na magugustuhan din niya iyon kapag nagkaroon siya ng project after kasi hanggang June na lang ang Villa [Quintana], so if she gets another project, I’ll be super happy for her.”
Nabanggit din ni Elmo na kapag nagkakasama sila ni Janine ay napag-uusapan nila ang kani-kanilang mga interes at pangarap sa buhay.
Nagiging motibasyon niya si Janine upang lalo pang pagbutihan ang kanyang trabaho.
“Kahit sa mga simpleng bagay lang na whenever I look at her, nakakagaan sa loob. ‘Yung mga ginagawa niya and how she is, that influenced me to become more positive din,” dagdag ng aktor.
Patuloy na panoorin sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez sa
Villa Quintana, araw-araw sa GMA Afternoon Prime.
Para makatanggap ng iba pang updates, mag log-on lamang sa
www.gmanetwork.com.
- Text by Samantha Portillo, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com