GMA Logo Valeen Montenegro
Celebrity Life

Valeen Montenegro, endorser na ng motorcycle taxi

By Kristian Eric Javier
Published August 1, 2023 10:07 AM PHT
Updated August 1, 2023 12:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Russia using Belarus territory to circumvent Ukrainian defenses
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Valeen Montenegro


Isang bagong achievement ang naabot ni Valeen Montenegro. Congratulations!

Isang bagong achievement ang naabot ng “Balitang Ina” host, ang isa sa mga skit ng comedy show na Bubble Gang, na si Valeen Montenegro, ang maging bagong endorser ng motorcycle taxi na Angkas.

Ibinahagi ni Valeen ang magandang balita sa kanyang Facebook page nang i-share niya ang video ad ng nasabing kumpanya.

Caption ng actress-comedian sa kanyang post, “Commute ang inaaaaa with Angkas.”

Sa video, ipinakita si Valeen sakay ng isang kotse at gamit ang kanilang phrases sa “Balitang Ina,” ay sinabing late na siya at kinailangan mag-book ng motorcycle taxi.

Ipinakita rin ang iba't ibang serbisyo ng motorcycle taxi tulad ng pagkakaroon ng helmet at kapote na ipapahiram sa pasahero. Isa pang serbisyo na binanggit sa ad ay ang pagpapadala ng packages.

Maraming netizens din ang nagsabi na natuwa at bumilib sila sa napanood na advertisement, at sinabing magaling ang pagkakagawa nito.

Bukod sa pagiging "Commute ang Ina" ay “Spartang Ina” rin si Valeen, nang ibahagi nito ang isa sa mga recent achievements niya nang kumpletuhin nito ang 21k Spartan Beast. Ito ay isang uri ng obstacle race na ginanap last November 2022.

November din nang mag-propose sa kanya ang fiancé niya ngayon na si Riel Manuel.

Samantala, tingnan ang nasabing advertisement dito:

BALIKAN ANG PAGIGING "FASHIONISTANG INA" NI VALEEN NANG IPAKITA NIYA ANG KANYANG STYLISH LOOKS: