
Aliw na aliw ang mga netizen sa dance cover ng Sparkle comedienne na si Rufa Mae Quinto at versatile actress na si Kim Molina sa Instagram.
Ipinasilip ni Kim ang nakakatawang version nila ng viral hit ng P-pop kings na SB19 na “GENTO.” Matatandaan na ni-release ng grupo ang kanta noong Mayo.
Buhos naman ang mga reaksyon ng netizens at fans sa kulit dance cover nina Rufa Mae at Kim.
Noong May 26, 2022, isa si Rufa Mae Quinto sa pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center sa idinaos na Signed for Stardom event ng talent management arm ng GMA-7.