
Masayang ibinahagi nina celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young na sinsimulan na nila ang pagpapatayo ng kanilang sariling studio, ang Daez Studio.
Sa Instagram, ipinasilip ng mag-asawa ang development ng construction ng kanilang studio kung saan nagsimula na ang demolition stage.
“We are finally building!! Well, more like renovating hahaha! We've been working on this for the past six months. From discussing with our architects and engineers and finally doing demolition,” caption ni Megan sa kanyang post.
Ayon pa sa beauty queen-actress, naisip nilang palakihin ang kanilang studio dahil hilig naman nila ng mister na si Mikael ang gumawa ng mga content.
Aniya, “Fofo and I have loved creating content and we've decided to take it to another level by creating a space where we can expand the content we create and push our limits further (huwaw)!! We're so happy that this is finally happening because we've always envisioned having a space like this for our work.”
Sa video na ibinahagi ni Megan, makikita na hands-on sila ni Mikael sa pagpili ng mga materyales na gagamitin nila sa kanilang studio.
“Our demolition stage is now done and we can start renovation! We want our studio to be ready as soon as possible but we have to make sure we use only the best para quality at long lasting ang studio namin,” saad pa ni Megan sa kanyang post.
Samantala, kasalukuyang napapanood sina Mikael at Megan sa pinag-uusapang suspense series sa GMA Telebabad, ang Royal Blood.