GMA Logo Jerald Napoles
Celebrity Life

Jerald Napoles, pinatawad ang driver na nakabangga sa kanya; netizens, humanga

By EJ Chua
Published August 26, 2023 3:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Park Ji Hoon is coming to Manila in 2026
Hoopster from Pavia, Iloilo is NCAA 101's Most Valuable Player
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Jerald Napoles


Jerald Napoles sa aksidente: “Kung ipipilit ko ang kakayanan at pagbayarin si kuya driver siguradong ikakaltas pa sa sahod niya 'to…" Basahin ang buong kwento dito:

Usap-usapan ngayon sa social media ang latest video na inupload ni Jerald Napoles sa kanyang Facebook account.

Ang naturang video ay tungkol sa kinasangkutang aksidente ni Jerald habang siya ay pauwi mula sa panonood ng FIBA World Cup 2023 Opening.

Mapapanood sa video kung paano nakipag-usap ang comedian-actor sa driver ng truck na nakabangga sa kanyang sasakyan.

Ayon sa caption ni Jerald, “Katatapos ko lang manood ng Gilas Pilipinas vs Dominican Republic sa FIBA World Cup Opening. Masaya ang experience kahit hindi tayo nanalo sa game. Pauwi na ako sa amin nang biglang naaksidente pa at nasuyod/bangga ng truck.”

Ikinuwento niya ang ilang detalye tungkol sa aksidente hanggang sa bumaba na siya upang kausapin ang truck driver.

Kuwento niya, “Umangat bumper ko, basically nauuna na ako pero ipinasok pa niya sa lane ang truck kaya pa-angat ang wasak ng bumper ko… Halos patawid na siya na parang walang tinamaan... Hinarang ko ang truck para kausapin sa nangyari kasi parang uunahan na niya ako…”

“Sa madaling salita, alam ko naman na ang tanging solusyon sa bangga ay ipaayos.. kung irereklamo ko naman at ipipilit ko ang kakayanan at pagbayarin si kuya driver siguradong ikakaltas pa sa sahod niya 'to. Imbes na solusyon, dagdag problema pa ang mangyayari,” dagdag pa niya.

Sabi pa ni Jerald, hindi na niya ginawang komplikado ang sitwasyon at mapalad pa rin sila dahil pareho silang hindi nasaktan sa nangyari.

“Magiging komplikado pa sa pag aayos at paghahabol para mapanagutan niya. Bilang ako ang mas may kakayanang pinansyal, hindi ko na kinumplika. Pinagsabihan ko na lang siya na sa susunod ay mag-iingat dahil pareho kami mapalad na ganito lang ang nangyari.”

“Gaya ng sinabi ko sa video… kadalasan hindi gaya ko na palalampasin lang ang ganitong aksidente ang makakasalamuha niya,” sabi pa ng comedian-actor.

Sa huling parte ng kanyang post inilahad niya ang mensahe niya sa truck driver.

Sa comments section ng post ni Jerald, napa-comment ang kanyang girlfriend na si Kim Molina.


Samantala, nakatanggap ng papuri si Jerald mula sa netizens dahil sa ipinakita niyang kabutihan sa kabila ng nangyari.

Narito ang ilang reaksyon at komento ng netizens tungkol sa comedian-actor.