GMA Logo Arnold Clavio, Mike Enriquez
Source: akosiigan (Instagram)
Celebrity Life

Arnold Clavio sa pagpanaw ni Mike Enriquez: 'Sabi mo, walang iwanan! Ang daya mo'

By Jimboy Napoles
Published August 30, 2023 11:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Kuya Kim shares last family photo with daughter Emman Atienza from Christmas Eve 2024
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Arnold Clavio, Mike Enriquez


May madamdaming mensahe si Arnold Clavio sa pagpanaw ng itinuturing niyang ama na si Mike Enriquez.

Idinaan ng batikang journalist at GMA News anchor na si Arnold Clavio sa pagbabahagi ng isang throwback video sa Instagram ang kanyang pag-alaala sa namayapang kaibigan at beteranong brodkaster na si Mike Enriquez.

Gabi ng August 29, 2023, kinumpirma ng GMA Network sa pamamagitan ng 24 Oras ang nakalulungkot na pagpanaw ni Mike sa edad na 71.

Makikita sa video ni Arnold ang pagsasayaw nila ni Mike noon sa trending dance craze na “Savage Love.”

Bagamat masayang mga sandali nila ni Mike ang mapapanood sa video, madamdamin naman ang naging caption dito ni Arnold o kilala rin bilang si Igan.

Aniya, “Paalam aking Ama, kaibigan, mentor, kasabwat, boss at higit sa lahat 'tagapagtanggol.'”

Dagdag pa ni Arnold, “Sabi mo, walang iwanan! Ang daya mo!”

A post shared by AkosiiGan😎 (@akosiigan)

Batid naman ni Igan na mananatili ang legasiyang iniwan ni Mike sa maraming mga Pilipino bilang isang mahusay na mamamahayag.

“Ang alaala mo ay mananatiling buhay sa isipan at damdamin ng maraming Pilipino. Salamat at hanggang sa muling pagkikita,” ani Igan.

Taong 1969 nagsimulang magtrabaho sa industriya ng brodkasting si Mike, at naging bahagi siya ng GMA Network taong 1995. Siya ay naging news anchor ng flagship primetime news program ng GMA na 24 Oras at naging host ng long-running public affairs program na Imbestigador.

Si Mike ay nagsilbi rin bilang Presidente ng RGMA Network, Inc. at GMA Network's Senior Vice President and Consultant for Radio Operations. Matagal din na naging news anchor si Mike ng programa ng DZBB na Super Balita sa Umaga at Saksi sa Dobol B.