GMA Logo gilas pilipinas dwight ramos
Source: kieferravena15, dramos, ray1parks (Instagram)
Celebrity Life

Gilas Pilipinas player Dwight Ramos receives hilarious birthday wishes from colleagues

By Jimboy Napoles
Published September 2, 2023 4:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Hussein Loraña, Naomi Marjorie Cesar rule athletics' 800m events at 2025 SEA Games
Baste Duterte slams opening of unfinished road project
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

gilas pilipinas dwight ramos


Happy birthday, Dwight!

Nagdiriwang ngayon ng kanyang 25th birthday, September 2, ang Gilas Pilipinas basketball player na si Dwight Ramos.

Pero bukod sa sweet messages ng kanyang fans, kuwela naman ang naging pagbati kay Dwight ng kanyang kapwa basketball players na sina Kiefer Ravena at Bobby Ray Parks Jr.

Sa Instagram, in-upload ni Kiefer ang video ni Dwight na tulog na tulog habang sila ay sakay ng isang eroplano.

“Happy birthday, Mr. Overseas,” caption ni Kiefer sa kanyang Instagram story.

Kiefer Ravena greets Dwight Ramos with a happy birthday.

Sa perehong social media app, ibinahagi naman ni Ray ang video ni Dwight habang papasakay ng isang kilalang motorcycle-taxi.

“Happy birthday fam,” sulat naman ni Ray sa post na may kasama pang laughing emoji.

Bobby Ray Parks Jr. greets Dwight Ramos with a happy birthday.

Ang nasabing birthday post ni Ray, agad naman na ini-repost ng netizens sa social media.

“Happy birthday, Dwight,” pagbati ng kanyang fans.

Si Dwight ay isang Filipino-American basketball player na nakilala noon bilang isa sa mga varsity at pambato ng Ateneo De Manila University sa University Athletic Association of the Philippines o UAAP.

Samantala, mapapanood naman sina Dwight, Kiefer, at Ray bilang kinatawan ng Pilipinas sa FIBA World Cup 2023 na kasalukuyang nagaganap ngayon sa Pasay City.