Celebrity Life

Mike Enriquez, inilibing na sa Marikina City

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 4, 2023 2:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Mike Enriquez


Kahapon, September 3, inilagak na ang batikang brodkaster at Kapusong si Mike Enriquez sa kanyang huling hantungan.

Inihatid na ang batikang brodkaster na si Mike Enriquez sa kanyang huling hantungan sa Loyola Memorial Park sa Marikina City noong Linggo, September 3.

Bago tumungo sa Loyola Memorial Park, nagpasalat ang asawa ni Mike na si Baby Enriquez na nakatuwang niya sa mahigit apat na dekada.

"Nagpaplano na nga kami, e, for our 50th [anniversary]. Well, God has other plans," pahayag nito sa burol na ginanap sa Christ The King Parish sa Greenmeadows.

"Ang kabilin-bilinan sa akin ni Mike, 'wag ako iiyak, and this photo, gustong-gusto niya 'yang photo na 'yan."

Ngunit hindi napigilan ni Baby na maging emosyonal nang binalikan niya ang pangako nila sa isa't isa, 46 na taon na ang nakararaan.

"'Til death do us part. Excuse me po," emosyonal na sabi nito. "Thank you, family and friends, once again. Your presence in this most difficult moment in my life mean so much to me."

Bago tuluyan sa kanyang huling hantungan, dumaan muna ang mga labi ni Mike sa kanyang bahay sa White Plains, Quezon City, kung saan nakaabang sa kanya ang kanyang mga alagang aso na sina Booma at Mickey.

Habang bumabyahe ay pinapatugtog ang mga paboritong kanta ni Mike Enriquez na “Africa,” “Over The Rainbow,” at “You've Got A Friend.”

Sa Loyola Memorial Park, nagpakawala ng 71 na paroparo ang mga minamahal sa buhay ni Mike na sumisimbolo sa 71 na taong inilagi niya sa mundo.

Pumanaw si Mike noong August 29, 2023.

Maraming salamat at paalam, Mike.