GMA Logo Marian Rivera and Ceejay Laqui
Courtesy: marianrivera (TikTok)
Celebrity Life

Marian Rivera dances with "the chosen one"

By EJ Chua
Published September 15, 2023 11:39 AM PHT
Updated September 16, 2023 1:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mare, Ano'ng Latest? (December 25, 2025)
Man nabbed for alleged illegal sale of firecrackers in Zamboanga City

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera and Ceejay Laqui


Marian Rivera sa collaboration nila ng kanyang fan at TikTok star na si Ceejay Laqui: “Finally found the perfect caption for this video, and it's the chosen one.”

Kasabay ng pag-trending ng kanyang TikTok videos, nagpa-dance contest ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Marami ang kumasa sa “Sabay-Sabay” dance challenge ni Marian pero tila may isang taong nagpasa ng entry na nakapukaw ng kanyang atensyon.

Nito lamang Huwebes, ibinahagi ng kilalang actress at dancer na may napili na siyang lucky fan para makasabay sa pagsasayaw.

Sa segment ng 24 Oras na "Chika Minute," napanood na nakasama na ni Marian ang nanalo sa kanyang pa-dance contest.

Ang lucky winner ay si Ceejay Laqui, isa sa fans ng Kapuso star na isa ring TikTok content creator na mula sa Batangas.

Kuwento ni Ceejay, “Actually, nung nalaman ko po nasa bahay po ako tapos po nakita ko po 'yung chat ni Ate Marian.”

Ayon kay Marian, nahirapan siyang mamili sa dami ng entries na kanyang natanggap kaya't nagpatulong siya sa kanyang team at pati na rin sa kanyang asawa na si Dingdong Dantes.

Pagbabahagi ni Marian, mayroon siyang nakitang kakaiba kay Ceejay kaya ang huli ang kanyang napili.

Sabi ni Marian, “Ini-stalk ko 'yung feed niya, nakita ko kung gaano niya ka-love talaga ang pagsasayaw at saka ano siya wala akong tulak kabigin parang ang bait ng personality niya. Deserve niya 'to.”

Kasunod nito, ibinahagi ni Ceejay na sobrang saya ang kanyang naramdaman nang mangyari na ang kanyang dream collab.

Pagbabahagi niya, “Sobrang saya po kasi na-appreciate ni Ate Marian po 'yung passion ko po sa pagsasayaw.”

Ang dance collaboration ay mapapanood na sa TikTok account ng aktres.

Ayon sa caption ng kanyang bagong post, “Finally found the perfect caption for this video, and it's the chosen one.”

Sa kasalukuyan, mayroon na itong mahigit 4.3 million views.

@marianrivera Finally found the perfect caption for this video, and it's the chosen one. 🫶🏻 @ceejaaqui #MarianRivera #SabaySabayTayo #SabaySabayTayoDanceChallenge #FYP ♬ Marian Rivera Mashup Dance - Marian Rivera

Samantala, bukod sa pagproduce ng dance videos, abala si Marian sa kanyang bagong project bilang aktres.

Mapapanood siya sa upcoming primetime series na Against All Odds, kung saan makakasama niya si Gabby Concepcion, at Max Collins.