
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na nagsimula si Niño Muhlach bilang isang child star at ngayong nalalapit na ang kanyang 50th anniversary sa showbiz, isa lang ang nararamdaman ng aktor sa kaniyang accomplishment: proud.
“Siguro I think it's something to be proud of because not everyone can say that they've been in showbiz for 50 years,” sabi ni Niño sa interview niya sa vlog ni Karen Davila.
Proud man ang aktor sa pagtagal niya sa showbiz, inamin din ni Niño na hindi ito naging madali para sa kanya bilang isang child star dahil may mga bagay siyang hindi naranasan noon na ginagawa ng mga normal na bata.
“Siyempre po 'yung normal na paglaki ng bata. 'Yung pakikipaglaro sa mga kaibigan, mga ganung bagay. Mga kalaro ko po palagi mga crew, 'yung mga co-artists ko, ganun,” kuwento ng aktor.
Dagdag pa niya, naranasan din niyang mag-shoot ng limang pelikula nang sabay-sabay.
Kuwento ng aktor, “Limang costume 'yung dala ko, limang co-artists 'yung ka-eksena ko. So 'pag may shoot ako sa simbahan, magpapalit lang ako ng ka-eksena tska ng [costume].”
“Mas madali po 'yun e kasi I would go to school for 7:75 to 11:45 po, and then paglabas ko po, shooting na po ako, hanggang 9 'o clock na po 'yun,” dagdag nito.
SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA CHILDSTAR NOONG 2000 NA PROUD PARENTS NA RIN NGAYON:
Aminado rin ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis actor na hindi naging madali para sa kanya mag-transition mula sa pagiging child star papunta sa pagiging teen.
“Kasi ako, forever child star e. When you talk about child stars in the Philippines, there's no one else, Niño Muhlach, kahit na po adult na 'ko,” sabi nito.
Ngunit kahit ganun ay na-enjoy umano ni Niño ang pagiging teenager, isang bagay na hindi niya nagawa noong mas bata siya.
“I enjoyed my friends, I enjoyed going out, doing the stuff that I've been wanting to do na walang kasamang bodyguard,” aniya.