GMA Logo Angelica Panganiban and her property
Source: The Homans (YT)
Celebrity Life

Angelica Panganiban, ipinasilip ang property na gustong niyang ipa-develop

By Aedrianne Acar
Published November 6, 2023 6:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DepEd seeks private sector to help bridge digital gap faced by Pinoy learners
8 DWPH officials in Davao Occidental surrender over ghost project
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador

Article Inside Page


Showbiz News

Angelica Panganiban and her property


Angelica Panganiban at Gregg Homan, ipinakita ang munti nilang paraiso sa Batangas.

Looking forward ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban na tuparin ang dream niya na magkaroon ng isang farm.

Sa latest family vlog nila ng fiancé na si Gregg Homan sa YouTube, ipinakita nila ang isang property sa Tanauan, Batangas na pagmamay-ari ng versatile actress.

Ayon kay Angelica, nabili niya ang naturang property halos isang dekada na ang nakararaan at plano niya ito gawing farm.

Kuwento ng celebrity mom, “So, nabili ko 'tong property na 'to nine years ago, more or less ganiyan.”

“Nung ginagawa ko si Madam Claudia sa Pangako Sa'yo, ito po ang katas. So, gusto ko talaga ng farm dahil parang ang sarap na 'pag weekend meron kayong para bang getaway- from work. Sa kaguluhan sa Manila ganiyan.”

“Tahimik at simpleng buhay sana dito. But 'yun nga nung na-discuss ko kanina hindi pa talaga namin nabibigyan ng oras. So, hopefully next year after ng wedding matutukan na namin. Magawa na namin 'yung mga gusto namin gawin.”

Bukod sa upcoming wedding nila ni Gregg (https://www.gmanetwork.com/entertainment/celebritylife/relationship/102239/angelica-panganiban-and-gregg-homan-reveal-some-details-about-their-wedding-in-2024/story) early next year, aminado rin si Angelica na kaya hindi pa nila natutukan ang pagdevelop ng property ay dahil na rin sa busy sila sa pagpapa-renovate ng kanilang bahay sa Subic at Manila.

“Nabanggit ko na 'to sa iba naming vlogs na nagpapa-renovate kami ng mga bahay-bahay namin. Bahay in Subic, bahay in Manila. Then siyempre may upcoming wedding and we have a toddler.

“So ito [pertaining to the property], kadalasan nawawala sa isip namin na parang, 'Oi! May Kailangan pa nga pala kaming i-develop na property, '” ani ni Angelica.

Pagpapatuloy niya, “Para siyempre sa extra income like gusto namin magtanim, magpatayo nga ng maliit na bahay dito. Para pagka nagpupunta kami ng south, gusto naman namin maiba ang ihip ng hangin. Puwede kami dito tumambay.”

Isinilang ni Angelica si Amila Sabine noong September 20, 2022.

SAMNTALA, TINGNAN ANG MGA CELEBS WHO ENJOY FARMING: