GMA Logo herlene budol as golf umbrella girl
Celebrity Life

Herlene Budol, inalala ang pagiging umbrella girl noon para kumita ng pera

By Jansen Ramos
Published November 8, 2023 6:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robust consumer spending boosts US third-quarter economic growth
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

herlene budol as golf umbrella girl


Kung dati ay isang umbrella girl si 'Magandang Dilag' actress Herlene Budol, siya naman mismo ang naglalaro ng golf.

Proud na binalikan ni Herlene Budol ang pagiging golf umbrella girl na naging sideline niya para kumita ang extra noon bago pa siya makilala at maging artista.

Hindi niya ikinahihiya ang pagkakaroon ng ganitong klaseng trabaho na pinagsasabay niya sa iba pa niyang raket noon. Para kay Herlene, bilog ang mundo dahil ngayon, siya naman mismo ang golf player, base sa Instagram post niya noong November 3.

Biro niya, "Umbrella girl before ngayon payong nako haha."

Kalakip ng post ang ilang larawan niya kung saan naglalaro siya ng golf. Makikita rin dito ang kuha ni Herlene kasama ang dalawang caddy, o taong nagbubuhat ng golf club at iba pang equipment ng isang manlalaro.

Isang post na ibinahagi ni Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Herlene para sa cover story na Kapuso Profiles na inilabas noong Hulyo, ibinahagi rito ng aktes na napilitan siyang magtrabaho noong teenager pa lamang siya para masuportahan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

“Madami po akong naging trabaho, basta sa limang araw, lima 'yung trabaho ko. Una no'n, sa golf course, munisipyo ng Angono. Marami na 'kong na-experience na trabaho,” pagbabalik-tanaw niya.

Dahil sa pagiging working student, napaaral ni Herlene ang kanyang sarili sa kolehiyo.

“Unang sahod ko no'n, pumapalag ako no'n dati one hundred pesos per day, 3,000 monthly. Sa isang buwan naman, hindi lang po 'yun 'yung sinasahod ko, may mga sideline pa para makapagbayad po ako sa eskwelahan. No'ng college na 'ko, kailangan ko na po pag-aralin 'yung sarilli ko.

“Hindi na lang po ako nanghingi kasi feeling ko masyado na 'kong pabigat kaya kumikilos na lang po ako nang sarili ko na hindi na nila 'ko iisipin kung anong babaunin ko, anong kakainin ko. Minsan sineswerte, may ulam. Kung wala, e 'di wala.”

Sa ngayon, napapanood si Herlene sa top-rating GMA Afternoon Prime series na Magandang Dilag.

Launching series niya ito sa GMA matapos pasukin ang pag-aartista nang mag-viral bilang Wowowin contestant noong 2019.

NARITO ANG HIGHLIGHTS NG CAREER NI HERLENE BUDOL: