Celebrity Life

What's next for Krystal Reyes?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 22, 2020 10:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Winners of the MMFF 2025 Gabi ng Parangal
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News



Tapos na ang teleserye niyang 'Carmela'. Curious ba kayo mga Kapuso kung ano na ang pinagkakaabalahan ni Krystal ngayon?
By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
After her successful portrayal of Janine, Marian Rivera's younger sister in the primetime series Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw, Krystal Reyes is upping her game by taking part in acting workshops courtesy of GMA Artist Center.
 
The young actress will also be appearing in the Magpakailanman episode airing this Saturday, June 14, where she will play the young Glydel Mercado. 
 
Ngayong wala pa siyang upcoming regular show, naiisip ni Krystal na bumalik sa pag-aaral. Dapat ay incoming sophomore na siya sa college kung hindi siya naging abala sa Anna Karenina at Carmela.
 
"Busy po kasi sa workshops kaya 'yun muna ang pinagkakaabalahan para makapaghanda sa kung ano man ang ibibigay sa akin na next show. Pero gustung-gusto ko po talaga mag-aral dahil mahirap na kapag napahinga ka, baka tamarin ka," she explains.
 
Pagdating naman sa acting, may isang genre na gustong pasukin ni Krystal na hindi pa niya nasusubukan.
 
"Mahilig po kasi ako manood ng Koreanovela. Dahil doon, gusto ko talaga mag-try ng comedy. Marami po ang nagsasabi na bagay sa akin, pero never ko pang na-try. Never pa ako nag-guest sa Bubble Gang. Gusto kong mag-try ng comedy para malaman ko kung kaya ko ba."