GMA Logo Melai Cantiveros, Jason Francisco, Mela, and Stella
Celebrity Life

Melai Cantiveros, pinatulan ang bashers noon?

By EJ Chua
Published November 15, 2023 1:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EDSA rehab begins Dec. 24
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Melai Cantiveros, Jason Francisco, Mela, and Stella


Melai Cantiveros sa nagkomento na sana raw ay mapahamak ang anak niyang si Mela: “Below the belt na 'yun..."

Isa si Melai Cantiveros sa celebrity moms na sobrang hands on at hindi maikakailang proud sa kanyang mga anak.

Bukod sa pagiging host, aktres, at komedyante, si Melai ay asawa ng aktor na si Jason Francisco at mommy ng adorable kids na sina Mela at Stella.

Kamakailan lang, naimbitahan ang celebrity mom para sa isang vlog ng Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Sa naturang vlog, ibinahagi niya ang tungkol sa ginawa niyang pagdepensa noon sa kanyang anak na si Mela laban sa isang basher online.

Labis na nasaktan si Melai sa komento ng basher na tila hinihiling pa nito na ma-rape o mapahamak ang kanyang panganay na anak.

Pagbabahagi niya, “Pinatulan ko 'yung basher kasi nanggigil ako dahil about na sa mga anak ko. About sa sarili ko… sa inyo na 'to kasi baka totoo naman… Kung ako i-bash n'yo ako, ang unang masasaktan niyan magulang ko.”

Ikinuwento pa niya kung paano niya inaksyunan ang ginawang pambabastos sa kanyang anak.

Ayon kay Melai, “Nagpunta ako sa National Bureau of Investigation o NBI. Pina-NBI ko talaga. May isa na nanghingi ng sorry. Iba kasi ang sinabi noon, parang about rape. Below the belt na 'yun.”

Pahapyaw na biro ni Melai, “Kung may belt siya.”

Kuwento pa ng celebrity mom kay Bea, “Nag-sorry… sino naman tayo 'di ba, kaya siyempre pinatawad ko na lang. Sabi ko, next time 'wag mong gawin 'yan.”

Panoorin ang vlog nina Bea at Melai RITO:

Si Melai ay kasalukuyang host ng isang talk show at bida rin siya sa isang bagong pelikula.