GMA Logo valeen montenegro and riel manuel
Source: valeentawak (IG)
Celebrity Life

Valeen Montenegro stressed sa pagiging 'bridechilla?'

By Jansen Ramos
Published November 16, 2023 2:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Taiwan says its military can respond rapidly to any sudden Chinese attack
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

valeen montenegro and riel manuel


Ikakasal ang 'Love. Die. Repeat.' actress na si Valeen Montenegro sa cinematographer boyfriend niyang si Riel Manuel sa 2024.

Naghahanda na ang aktres na si Valeen Montenegro para sa kanyang nalalapit na kasal na gaganapin sa 2024.

Isang taon nang engaged ang Kapuso star sa kanyang non-showbiz boyfriend, ang cinematography na si Riel Manuel.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Valeen sa pictorial ng upcoming soap niyang Love. Die. Repeat noong Oktubre, eksklusibo siyang nagkwento tungkol sa kanilang upcoming wedding.

"Basta next year magugulat na lang kayo, naka-bridal gown na 'ko," bahagi niya.

Ayon kay Valeen, simple at intimate ang kanyang magiging kasal na dadaluhan ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan, kabilang na ang ilang kasamahan sa showbiz.

"Actually, it's very simple lang. We will have an intimate wedding. It's not gonna be grand. I will only have family and some close friends that are coming."

Stressful daw ang wedding planning. Pero anang komedyante, may nakakaaliw siyang rason para rito.

Biro niya, "Sobrang stressed ako kasi I don't know kasi lagi nilang sinasabi kung may bridezilla, may bridechilla. Ako yata 'yung chill tapos parang na-stress ako kasi sobra kong chill tapos nakikita ko 'yung iba kong kasabayang friends na they're also planning their wedding. Kita ko, pwede na sila ikasal tomorrow. Ako parang like what? Sobrang ready na sila tapos ako sobrang dami ko pang kailangan i-plan so I'm very chill."

Gagamitin daw ni Valeen ang holiday season para ihanda ang kanyang sarili sa kanyang big day.

Bahagi niya. "Naka-fast forward ako to the wedding so I'm gonna use December to rest and parang kailangan kong i-internalize na magiging bride ka na. Kailangan chill ka, composed ka so I'm gonna use December and the holiday season to restart and reset."

Taong 2018 nang maging magkasintahan sina Valeen at Riel.