GMA Logo Julie Anne San Jose, Rayver Cruz
Source: rayvercruz (Instagram)
Celebrity Life

Rayver Cruz proud kay Julie Anne San Jose matapos ang 'Queendom: Live'

By Jimboy Napoles
Published December 3, 2023 4:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Game 1 sang NCAA season 101 Men’s Basketball Finals, malantaw na sa Dec. 10 | One Western Visayas
24 Oras Livestream: December 8, 2025
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz


Rayver Cruz kay Julie Anne San Jose: “So proud of you my love, my queen.”

Proud boyfriend ang actor na si Rayver Cruz sa kanyang girlfriend na si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose matapos ang matagumpay na concert kagabi ng Queendom sa Newport Performing Arts Theatre, sa Pasay City.

Sa Instagram, muling nagpakilig si Rayver gamit ang larawan nila ni Julie matapos ang nasabing concert.

“So proud of you my love, my queen,” mensahe ni Rayver para kay Julie.

Agad naman na nag-reply rito ang actress-singer. “Thanks always for the support mahal. I love you so much,” ani Julie.

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)

Ang “Queendom: Live” ay ang unang concert together ng Kapuso divas na sina Julie, Rita Daniela, Jessica Villarubin, Hannah Precillas, Thea Astley, at Mariane Osabel.

Special guests nila rito si Rayver, at iba pang Kapuso singers na sina Jeremiah Tiangco, Garrett Bolden, Anthony Rosaldo, at John Rex.

Samantala, matatandaan na kamakailan ay nagtungo sina Julie at Rayver sa Israel kung saan naabutan sila ng simula ng giyera sa pagitan ng bansang ito at ng grupong HAMAS.

Sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan, tinanong ng TV host na si Boy Abunda si Rayver kung ano ang nasa isip niya noon habang kasama ang girlfirend na si Julie sa gitna ng giyera.

“Ikaw Rayver, hindi ka ba nakaisip na mag-propose? Somebody said that e, in your group. Hindi ka ba naghanap ng pari? What was going on in your mind?” tanong ni Boy kay Rayver.

Agad naman itong sinagot ng binatang aktor, “Para sa akin kasi Tito Boy, everything happens for a reason e, and Siya lang ang nakakaalam noon sa itaas. Para sa akin lasi yung river of hope ko, yung lakas ng loob ko ay nanggagaling kay Julie.”

Dagdag pa ni Rayver, “So, iniisip ko, may rason kung bakit si Julie, magkasama kami sa Holy Land and for me, mind, body, and soul, kasal na ako sa kaniya.”

Napangiti naman si Julie at maging si Boy sa sinabi ng aktor. Banat pa ni Rayver kay Boy, “Pero alam ng Panginoong Diyos na makakauwi pa kami, may chance pa kaming kunin ka as ninong.”

SILIPIN ANG NAGING PAGBISITA NINA JULIE AT RAYVER SA ISRAEL DITO:

Samantala, mapapanood naman si Julie bilang isa sa coaches ng The Voice Generations. Naghahanda naman ngayon si Rayver para sa kaniyang pagbabalik teleserye sa Asawa Ng Asawa Ko kasama si Jasmine Curtis-Smith.