
Masayang-masaya ang netizens sa pagkikita ng showbiz personalities na sina Bea Alonzo at Ivana Alawi.
Sa bagong vlog ni Ivana sa YouTube, mapapanood ang collab nila ni Bea.
Ang naturang vlog ay pinamagatang, “King Crab Mukbang + Q&A with Bea Alonzo.”
Sa unang parte ng video, ibinahagi ni Ivana na sobrang iniidolo niya ang Kapuso at former Start-Up PH star na si Bea.
Kasunod nito, sinabi naman ng huli na pinapanood niya rin ang videos ng una at natutuwa siya sa mga content nito.
Parte ng vlog ay ang pagsagot nila sa ilang katanungan, kabilang na rito ang tanong na: Ano ang first impression nila sa isa't isa?
Sagot ni Bea, “Pagpasok ko [bahay ni Ivana], matagal na tayong magkakilala… Ganon siguro talaga 'yung feeling kapag pinapanood mo sa videos…”
Sagot naman ni Ivana, “Hindi ko nga alam kung paano ko siya babatiin, kabadong-kabado ako, promise. Parating na si Ms. Bea, paano kaya?”
Sabi pa niya, “First impression, siguro 'yung ano siya [Bea], very warm.”
Sabi naman ni Bea, “Ako first impression ko sa'yo, mahiyain ka pala… Kasi parang hindi ikaw 'yung normal kapag nasa videos ka…”
Sagot ni Ivana sa sinabi ni Bea, “Kasi kapag nakita mo 'yung idol mo nakakahiya… Kasi napapanood lang kita tapos ngayon nasa harap ko na.”
Bukod pa rito, napag-usapan din ng dalawa ang kani-kanilang buhay pag-ibig.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 1.1 million views ang naturang vlog ni Ivana kasama si Bea.