
“Thank you, past self.”
Sa ganiyang paraan sinimulan ng kalahati ng kambal ng folk-pop band na Ben&Ben na si Paolo Benjamin Guico ang maiksi ngunit madamdaming mensahe niya sa sarili.
Sa Instagram, nag-post si Paolo ng ilang luma at bagong pictures niya, kasabay ng maiksing mensahe para sa kaniyang past self.
“Thank you, past self. Thank you for pursuing your dreams, and not giving up even when it seemed impossible,” caption niya sa post.
Dagdag pa niya ay unti-unti na niyang tinutupad ang kaniyang mga pangarap kasama ang ilan sa kaniyang mga best friends.
“All your struggles were worth it,” pagtatapos niya sa kaniyang post.
Ilang milestones ang naabot hindi lang ng kanilang banda, ngunit kahit ni Paolo mismo. Noong December 2022 ay nagsagawa sila ng homecoming concert para ipagdiwang ang isang taon na puno ng record-breaking achievements, kabilang na ang successful na US tour nila.
“To match that sense of gratitude, we wanted to mount our largest show yet, with our longest set, most ambitious performance ideas, and simply the best of what we've made through the years,” pagbabahagi ng banda sa isang statement.
Dagdag pa nito, “We are most excited about bringing this show, finally, to our Liwanag, because it had definitely been a long journey with a lot of hard work to get here.”
Samantala, July 2023 rin nang i-announce ng banda ang kanilang bagong single, ang una para sa taon, kasabay ang anunsyo ng kanilang five-city international tour.
Abril naman ng parehong taon ibinahagi ni Paolo ang kaniyang weight loss journey, isang milestone na naabot niya sa pamamagitan ng pag-utilize ng healthy habits.
“I embraced a more active lifestyle to get to a better mental state. The weight loss and the rest followed,” pagbabahagi nito.
Tingnan ang post ni Paolo dito: