Celebrity Life

Coleen Garcia, nananawagan ng hustisya para sa kaanak na pinaslang

By Jansen Ramos
Published December 24, 2023 4:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 26, 2025
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

art tondo


Ang posibleng motibo ay pilit na nakikipagbalikan ang hinihinalang suspek sa dating kinakasama na kasambahay ng ama ni Coleen Garcia pero ang kapatid ng stepmom ng aktres ang nadatnan at posibleng napagbuntungan.

Nanawagan si Coleen Garcia sa publiko para mahanap ang hinihinalang suspek sa pagpatay sa kapatid ng kanyang stepmother na si Canice Minica Seming, isang 29-year-old OFW.

Pasado hating gabi ng December 22 nang natagpuang patay ang balikbayan sa bahay ng ama ni Coleen na si Jose Garcia at asawa nitong si Sey Garcia sa isang exclusive subdivision sa Antipolo.

Kalakip ang mga larawan ng person of interest, idinetalye ng aktres sa kanyang personal Facebook account noong Sabado, December 23, ang kalunus-lunos na sinapit ng kanyang kaanak na nagtamo ng 15 sugat mula sa pagkasaksak sa iba't ibang parte ng katawan nito

Ang suspek ay kinikilalang si Art Tondo na dating karelasyon ng kasambahay ng ama ni Coleen at dati ring namamasukan sa kanilang pamilya. Ayon sa post ni Coleen, may record ito ng drug abuse.

Kuwento ng aktres, "Two nights ago, he made his way into my dad's house and stabbed my stepmom's sister, Canice, to death. She was found to have over 15 stab wounds. He has a record of drug abuse, and is suspected to have been under the influence that night.

"He used to work as my dad's carpenter (even used to work on our house), until my dad let him go because he found out about his drug use. His former live-in partner continued to work as a nanny to my little sister and step brother."

Ayon pa sa post, sumulpot at pinaghahanap ni Art ang dating kasintahan sa bahay ng ama ni Coleen pero si Canice ang nadatnan at napuruhan.

"She (kasambahay) left him and blocked him because apparently he'd been constantly threatening her, even saying he plans to kill her seven children. He never threatened my family prior to what happened. Canice had just arrived at my dad's house, and he showed up looking for his partner, who was at our house at that time with my family."

Isang malagim na pangyayari ito sa para sa pamilya ni Coleen na hindi lubos maisip kung nadamay ang mga paslit sa kanilang pamilya.

Daing ni Coleen, "What happened was, and still is, completely devastating for the whole family, most especially for Sey and her family. It's difficult to find the words, but this man needs to be caught because he still remains to be a threat. I feel sick and weak every time I think about the children, who were supposed to be there that same night. They were on the way home from our house when it happened, and the three children were in the car when the body was found. Had their original plans been followed, the children would have been there at that same time."

Sa huli, humingi ng tulong si Coleen sa publiko para sa mabilis na paghahanap sa person of interest na sangkot sa pagpatay sa kapatid ng kanyang stepmom.

"We didn't want to post about it, but this dangerous man is still out there and we need help finding him… The authorities have been on it since it happened, but we need all the help we can get."

Ayon sa eksklusibong ulat ni Emil Sumangil sa 24 Oras noong Biyernes, December 22, umuwi ng Pilipinas si Canice para mag-Pasko rito sa bansa.

Nahuli ang hinihinalang suspek na nanggaling sa crime scene. Nakunanan din ng CCTV na palabas siya ng subdivision habang sukbit ang isang bag at nagpupunas pa ng kamay. Nakarating siya sa labasan hanggang sa makasakay ng tricycle na subject na rin ngayon ng follow-up operation

Matapos ang imbestigasyon, pinahintulan si Emil ng pamilya ng biktima na makapasok sa crime scene kung saan makikita pa ang mga marka ng dugo sa personal na gamit ng biktima, sa sofa, sa pader, sahig, at sa pintuan ng maid's quarters.

Ayon sa pulisya, dating tauhan ng pamilya ang person of interest na pinaalis muna dahil sa hindi magandang karanasan nila rito.

"I've said it in a nice way na bakasyon ka muna. I already had some experiences with him sa mga pera, sa pagha-handle ng pera, pagha-handle ng tao. 'Yung ugali niya medyo mahirap nang pakisamahan, mayabang," ani Jose, ama ni Coleen.

Ang posibleng motibo ay pilit itong nakikipagbalikan sa dating kinakasama na kasambahay rin ng pamilya ng biktima pero tinabla na rin siya ng babae.

Wala raw sa bahay ang dating kinakasama nang mga oras na pumasok ito at nadatnan at posibleng napagbuntungan ang biktimang OFW.

Ayon pa sa pulisya, dati nang nakulong ang hinihinalang suspek.

Panoorin ang buong ulat sa video sa itaas.