Celebrity Life

Jackie Rice talks about her daring move in an indie film

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 21, 2020 12:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Celebrity breakups that shocked the nation in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News



Kuwento ng 'StarStruck' alumna, ibang Jackie ang makikita sa kanyang bagong pelikula-- mas matapang at mas daring.
By ANN CHARMAINE AQUINO

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Sa isang indie film magbibida ang Kapuso star na si Jackie Rice. Gaganap siya bilang isa sa tatlong asawa ni Allen Dizon. Kasama niya dito ang mga magagaling na Kapuso actress na sina Jean Garcia at Sunshine Dizon. Kuwento ng StarStruck alumna, ibang Jackie ang makikita rito. Mas matapang at mas daring.

Kuwento ni Jackie, “'Yung ginawa ko kasi, kasama siya sa script. Bago ko tanggapin, alam kong kailangan. I mean, part siya. 'Yung ginawa ko doon, hindi naman si Jackie Rice 'yun e. 'Yung character ko 'yun. Hindi ko kayang gawin kung ako lang. [Kaso] hinihingi siya ng script, hinihingi siya ng character. Kailangan siyang gawin para maganda”.

Dati ay nakagawa na ng sexy pictorial si Jackie, ngunit iba pa rin ang pakiramdam lalo na’t para ito sa pelikula.

“First time ko actually. Nagpictorial na ako [ng sexy] pero ito, 'yung movie go na ginagawa, may gumagalaw, may kaeksena, Wow!” saad ni Jackie.

Maganda man ang feedback sa kanyang performance, hindi niya alam kung kaya niyang muling gumanap ng daring roles para sa kanyang future projects.

Ayon kay Jackie, kaya naman siya napapayag sa role na ito dahil gusto niyang makatrabaho si Direk Joel Lamangan.

Dagdag niya, “magaling din 'yung writer, maganda 'yung istorya, about poverty, about kamkam. Power, kung ano ang nasa bansa natin ngayon”.

“Pangatlo, ang ganda ng casting. Ang ganda ganda nung project. Sobrang blessed ako para maging part of it,” paglalahad niya.