
Ipinagdiwang ni Yasmien Kurdi ang kanyang 35th birthday nito lamang Huwebes, January 25.
Insert link: https://www.gmanetwork.com/entertainment/celebritylife/fashion/15611/in-photos-yasmien-kurdis-chic-fashion-looks/photo
Isang mini-vlog ang in-upload ni Yasmien sa kanyang social media accounts, kung saan ikinuwento niya ang ilang naging kaganapan sa kanyang simple birthday celebration.
Sa ilang parte nito, mapapanood na naging emosyonal ang former The Missing Husband star.
Tila labis na nasubok ang pasensya ni Yasmien habang ginagawa niya ang kaniyang first-ever cake na para mismo sa kanyang kaarawan.
Ibinahagi niya na na-scam pa siya bago niya gawin ang kanyang kauna-unahang cake.
Ayon pa sa kanya, marami siyang na-realize tungkol sa buhay habang siya ay nagbe-bake.
Sa dulong parte ng vlog, matutunghayan na sa kabila ng mga naranasan ng StarStruck alumna, naging masaya pa rin siya sa kanyang kaarawan.
Nagpasalamat din ang celebrity mom sa patuloy na suportang ibinibigay sa kanya ng kanyang asawa na si Rey Soldevilla at anak nila na si Ayesha Zara.
Matatandaang matapos isapubliko ni Yasmien na ipinagbubuntis niya ang soon-to-be second baby nila ni Rey, ibinahagi rin niyang nag-enroll siya sa isang baking and pastries class.