
Isa si Heart Evangelista sa kilalang celebrities sa Philippine entertainment industry.
Sa katatapos lang na ambassador launch ng GCash, nagbigay ng pahayag si Heart tungkol sa ilang detalye sa kanyang buhay sa loob ng mundo ng fashion at show business.
Aminado ang aktres na hirap siyang makakita ng tunay na kaibigan sa dalawang industriya na kanyang ginagalawan.
Pahayag ng fashion icon, “I'm really tired… I'm tired [but] happy.”
“It's fulfilling, kasi, but when you have moments that you know you just want real friends, it's hard,” dagdag pa niya.
Ayon pa kay Heart, ang kanyang pamilya ang kadalasan naaasahan tuwing kailangan niya ng sandalan at hingahan.
Sabi niya “Kasi, you feel misunderstood, but at the end of the day, you go back to your family, and that should be enough.”
Pahabol pa niya, “If people love you, they love, but if they don't, then they don't.”
Matatandaan na naghiwalay na ng landas si Heart at ang dati niyang mga kaibigan at ex-glam team na sina Justin Soriano at Jeck Aguilar.
Noong 2023, naglabas ng saloobin si Heart tungkol sa naging isyu ng kanilang pagkakaibigan.